pexels-photo-3943881.jpeg

Author: Liv Skyler


Kung mag-iingat ka habang bumabiyahe, magiging ligtas ka sa karamihan ng mga minor na panganib. Pana-panahon, may nangyayaring hindi inaasahan. Sa kasamaang-palad ay karaniwan ang mga scam sa pagbiyahe at puwedeng mangyari kahit sa mga pinakamaingat na biyahero.

Gayunpaman, sa pag-alam sa mga scam na ito, maiingatan mo ang iyong sarili nang higit sa karaniwang mga pag-iingat. Kapag nalaman mo na kung paano niloloko ng mga scam artist ang mga turista, mas magiging alisto ka sa iyong proteksyon. Sa ilang situwasyon, posibleng gumawa ng mga partikular na aksyon para maiwasang maging biktima.

Para palawakin ang mga puntong ito, titingnan natin ang ang apat sa mga pangunahing scam sa pagbiyahe. Ipapaliwanag rin namin kung paano mo maiiwasang maging biktima ng mga ito.

Ang "Spill" Trick


Sa kasamaang-palad, ang pandurukot ng mga valuable mula sa mga turista ay isang karaniwang problema. Mas naiuugnay ito sa Europe pero nangyayari din sa ibang bahagi ng mundo. At iba't iba ang taktika ng mga mandurukot. Ang ilan ay nanghahablot sa mga mataong metro; nililito ng ilan ang mga biyahero sa mga palitan ng pera sa mga ATM; ang ilan ay nag-aalok na tumulong sa mga direksyon habang dinudukot ang wallet mo.

Ang isang partikular na modus ay ang "pagbuhos". May iba't ibang anyo ito, pero ang pangkalahatang ideya ay simple: May isang lokal na "aksidenteng" may maibubuhos sa iyo. Pipilitin ka nilang linisin, magpapakita na gusto ka nilang tulungan. Sa gitna ng kaguluhan, dudukutin nila ang wallet mo o iba pang mga valuable. Madalas itong nangyayari, at isa itong scam na mahirap iwasan dahil may pisikal na contact na sangkot. Gayunpaman, ang diskarte, sa situwasyong ito, ay lumakad lang palayo. Magiging mapilit ang mga lokal na nagsasagawa ng ganitong modus, pero kung ipipilit mong wala namang nangyaring masama, maging malinaw na ayaw mong mahawakan at magpatuloy sa iyong pupuntahan, mas maliit ang pagkakataong magiging biktima ka.


Mga Scam sa Border


Tulad ng pandurukot, iba't iba ang anyo ng mga scam sa border. Sa pangkalahatan, lalapitan ka ng isan na nagpapanggap na border partrol agent o visa official. Tutulungan ka nila sa iyong paglipat sa border at pagbabayarin nang hindi naman kinakailangan, at posibleng mag-alok ng mga karagdagang serbisyo para sa karagdagan pang cash (tulad ng pagsakay sa kanilang sasakyan). Isang paraan ito para pagbayarin ang mga biyahero para sa pagtawid sa border sa pagpapanggap na official duty ito.

Ang unang hakban para maiwasan ang scam na ito ay alamin kung sino ang dapat mong makaharap sa border crossing — at kung paano sila dapat kumilos. Dahil sa pagkakaroon ng online na edukasyon at ang pagiging available ng mga online bachelor’s degree sa criminal justice ngayon, malamang na mga edukadong propesyonal ang mga taong sangkot dito. Nag-aaral ng criminal justice ang mga custom agent at officer ng border patrol, nagpapakdalubhasa sa kanilang mga tungkulin, at nagsasagawa ng kasalukuyang rutina. Hindi ito nangangahulugan na hindi kayang gayahin ng scam artist ang isang opisyal. Pero kapag inalam mo kung ano ang dapat asahan sa mga aktwal na border official, mas lalaki ang pagkakataon mong makita ang pagkakaiba.

Isang partikular na tip: Pumuli ng isa o higit pang nauugnay na tanong na masasagot ng isang edukado at makaranasang border official sa isang partikular na paraan. May pagkakataon kang makakilala ng isang nagpapanggap at maiwasang masingil nang sobra.


Wi-Fi Theft



Hindi lang sa biyahe problema ang cybercrime sa Wi-Fi. Gayunpaman, isa itong scam na madalas nabibiktima ang mga biyahero. Kapag nagbabiyahe ka, malamang na excited ka kapag nakakahanap ng available na pampublikong Wi-Fi. Posibleng kailangan mong magpadala ng email sa pinanggalingan mo, tumingin ng mga direksyon para sa gawaing panturista, atbp. Anuman ang situwasyon, gugustuhin mong mag-log in sa anumang Wi-Fi na mahahanap mo at magsimula. Gayunpaman, sa prosesong ito, ilalantad mo ang sarili mo sa mga potensyal na cyber crime. May kakayahan ang mga mapanamantala at savvy na scammer na makuha ang iyong personal na impormasyon sa mga wireless network.

Ang paraan para maiwasan ang ganitong problema ay nasa aming dapat at di-dapat gawin sa paggamit ng telepono sa ibang bansa. Sa artikulong iyon, matatandaan na dapat mong i-on ang feature na "Magtanong para sumali sa mga network" ng iyong telepono. Simpleng hakbang ito, pero binibigyang daan ka nito na hindi makalimutang subaybayan ang Wi-Fi. Kapag hindi awtomatikong kumokonekta, binibigyan mo ang iyong sarili ng pagkakataong magpasiya kung pagkakatiwalaan ito o hindi. Karagdagan pa, binibigyan mo ang iyong sarili ng pagkakataong mag-on ng proteksyon tulad ng VPN.


Mga Exchange Scam



Isa ring ideya ito na may iba't ibang anyo. Posibleng taxi driver ito na nagsusukli. Posibleng isang tumutulong na di-kakilala sa isang ATM. Posible pa ngang isang may-ari ng tindahan. Ang ideya sa lahat ng situwasyong ito ay may isang tao na susubkang lituhin ka tungkol sa mga exchange rate. Kapag nasa ibang bansa ka, madali lang na malito sa mga usapan. Sa puntong iyon, nakakatukso na magtiwala sa isang lokal na mukhang mabait o propesyonal (o pareho).

Malaking tulong ang pagtitiyaga at pagtuon sa detalye para maiwasan mo ang ganitong uri ng scam. Sa tuwing magpapalit ka ng currency, huminto sandali para mag-compute. Kung kailangan mo ng kasiguruhan, may mga tool sa currency converter na puwede mong i-download at gamitin nang libre. Paano mo man ito gawin, mag-ingat para masigurong patas ang gagawing palitan. Maraming scam artist ang madaling nakakapanloko sa mga biyahero sa ganitong paraan.


Konklusyon



Hindi lang ito ang mga travel scam na posibleng makaharap mo. Ang mga ito ang mga pinakakaraniwan, at ang dapat mong bantayan. Sa pagtukoy sa mga scam na ito at ilang paraan para maiwasan ang mga ito, sana ay natulungan ka naming maghanda para sa mas ligtas na biyahe sa susunod na aalis ka!