Paano ako mag-i-install ng eSIM sa Samsung Galaxy S20/S21 series device?
Una sa lahat, dapat mong tingnan ang mga sumusunod na item para masiguro na magagawa mong i-install at i-set up ang eSIM mo:
- Kailangang eSIM compatible at network unlocked ang device mo. (tingnan ang “Anong mga device ang sumusuporta sa eSIM?” + “Paano alamin kung sinusuportahan ng Android device ko ang eSIM?“)
- May stable na koneksyon ka, mas maganda kung WiFi. (Kailangan mong i-download ang eSIM nang tama sa iyong device at kailangan ng stable na koneksyon sa internet).
May 2 paraan para magdagdag ng eSIM sa iyong device:
- Sa pamamagitan ng pag-scan sa QR Code mula sa tab na “QR code”
- Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga detalye ng pag-install nang manu-mano mula sa tab na “Manual”
I. PAGHAHANDA
- Mag-login sa iyong account ng Airalo.
- Pumunta sa Aking Mga eSIM.
- Hanapin ang eSIM na binili mo.
- Pindutin ang button na Mga Detalye.
- Pindutin ang “I-install ang eSIM/Access Data”
- Piliin ang paraan ng pag-install
- Pindutin ang QR Code o Manu-manong Pag-install. Paki-print ang code o gumamit ng ibang device para ipakita ang QR code.
II. PAG-INSTALL
Opsyon 1: Sa pamamagitan ng pag-scan sa QR code
1. Piliin ang opsyon na “QR Code” sa itaas
(Puwede mong piliin ang button na ibahagi ang QR code para sa pagbabahagi nito sa isa pang device).
2. Pumunta sa iyong Mga Setting at Koneksyon
3. Pindutin ang SIM card manager
4. Piliin ang Magdagdag ng mobile plan
5. Piliin ang ‘I-scan ang QR code ng Carrier’
6. Iposisyon ang QR Code sa loob ng mga guided na linya para i-scan ito at ilagay ang confirmation code kung hihingin
7. Kapag na-detect na ang eSIM plan, pindutin ang Idagdag
8. Kapag na-register na ang plan mo, piliin ang OK para i-on ang plan
9. Kapag na-activate mo na ang eSIM mo, puwede mo na itong tingnan sa SIM card manager
10. I-on ang eSIM sa Mobile Network
11. I-enable ang Mobile Data
12. I-enable ang Data Roaming (Paki-off ang primary line mo para maiwasan ang mga babayaran sa roaming mula sa iyong carrier provider kapag nasa ibang bansa)
13. Mag-set up ng APN (access point name) sa device mo kung kinakailangan. Puwede mong makita ang mga detalye ng APN sa iyong page ng “I-install ang eSIM/Access Data”.
Opsyon 2: Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga detalye nang manu-mano
1. Piliin ang opsyon na “Manual” sa itaas
2. Kopyahin ang “SM-DP+Address at Activation Code” (impormasyon sa manu-manong pag-install)
3. Pumunta sa iyong Mga Setting at Koneksyon
4. Pindutin ang SIM card manager
5. Piliin ang Magdagdag ng mobile plan
6. Piliin ang ‘I-scan ang QR code ng Carrier’
7. Piliin ang ‘Ilagay na lang ang code’
8. Pumunta sa ‘Aking Mga eSIM’> Piliin ang eSIM> Pindutin ang Manu-manong Pag-install para mahanap ang impormasyon
9. Ilagay ang impormasyon ng manu-manong pag-install (SM-DP+Address) mula sa iyong page ng pag-install ng eSIM at pindutin ang ‘Kumonekta’
10. I-on ang eSIM sa Mobile Network
11. I-enable ang Mobile Data
12. I-enable ang Data Roaming (Paki-off ang primary line mo para maiwasan ang mga babayaran sa roaming mula sa iyong carrier provider kapag nasa ibang bansa)
13. Mag-set up ng APN (access point name) sa device mo kung kinakailangan. Puwede mong makita ang mga detalye ng APN sa iyong page ng “I-install ang eSIM/Access Data”.
Mahalagang Tip
Kapag na-install na ang eSIM sa pamamagitan ng QR code o Manu-manong paraan, madali mong makukumpleto ang mga hakbang sa pag-access ng data sa pamamagitan ng mga shortcut sa screen ng iyong device sa pamamagitan ng pagpindot sa button na “MGA SETTING” mula sa iyong “Mga hakbang sa pag-access ng data”.
Kung kailangan mo ng anumang tulong, huwag magdalawang-isip na kontakin kami.
Mga nauugnay na tanong
- Kailan mag-e-expire ang data package ng aking eSIM?
- Kailan ko dapat i-verify ang aking pagkakakilanlan?
- Kailan ko puwedeng i-install ang aking eSIM?
- Anong mga paraan ng pagbabayad ang tinatanggap ninyo?
- Paano titingnan kung compatible sa eSIM at naka-unlock ang carrier ng iOS device ko?
- Paano titingnan kung sinusuportahan ng Android device ko ang eSIM?
- Paano ako magsa-sign up para sa isang Airalo account?
- Paano ako mag-i-install at magse-setup ng eSIM sa aking Android device?
- Paano ko babaguhin ang aking mga setting ng APN?
- Paano ko ii-install at ise-setup ang aking eSIM sa Pixel device ko?
- Paano ko ia-activate ang eSIM sa isang iPhone o iPad sa Turkey?
- Paano ko mase-save ang mga tagubilin ng aking eSIM para magamit sa ibang pagkakataon?
- Paano ko ii-install at ise-setup ang aking eSIM sa Google Pixel 6 o 6 Pro device ko?
- Paano ako mag-i-install at magse-setup ng eSIM sa aking iOS device?
- Paano ko ii-install ang aking eSIM sa pamamagitan ng Direct Installation sa iOS Device ko?
- Paano ako makakakuha ng eSIM?
- May eSIM ba para sa gusto kong bansa?