Paano ko ii-install at ise-setup ang aking eSIM sa Pixel device ko?

Una sa lahat, dapat mong tingnan ang mga sumusunod na item para masiguro na magagawa mong i-install at i-set up ang eSIM mo:

May 2 paraan para magdagdag ng eSIM sa iyong device:

  1. Sa pamamagitan ng pag-scan sa QR Code mula sa tab na “QR code”
  2. Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga detalye ng pag-install nang manu-mano mula sa tab na “Manual”

I. PAGHAHANDA

  1. Mag-login sa iyong account ng Airalo.
  2. Pumunta sa Aking Mga eSIM.
  3. Hanapin ang eSIM na gusto mong i-install.
  4. Pindutin ang button na Mga Detalye.
  5. Pindutin ang Mag-install ng eSIM/Access Data
  6. Piliin kung aling uri ng pag-install
    • Pindutin ang QR Code o Manu-manong Pag-install. Paki-print ang code o gumamit ng ibang device para ipakita ang QR code. 

II. PAG-INSTALL

Opsyon 1: Sa pamamagitan ng pag-scan sa QR code

1. Piliin ang tab na “QR Code” sa itaas

(Puwede mong piliin ang button na ibahagi ang QR para sa pagbabahagi nito sa isa pang device).

2. Pumunta sa Mga Setting sa iyong device.

3. Pindutin ang Network at Internet

4. Pindutin ang icon ng Magdagdag o + sa tabi ng Mobile Network

5. Pindutin ang Susunod kapag tinanong na, “Walang SIM card?”

6. I-scan ang QR code at idagdag ang confirmation code kung ipa-prompt

7. Bumalik sa iyong screen ng “Mag-install ng eSIM/Access Data”.

8. I-on ang eSIM sa Mobile Network

9. I-enable ang Mobile Data

10. I-enable ang Data Roaming (Paki-off ang primary line mo para maiwasan ang mga babayaran sa roaming mula sa iyong carrier provider kapag nasa ibang bansa)

11. Pumunta sa Network at Internet at pindutin ang Mobile network para i-set ang tamang mga kagustuhan sa network na nakalista sa Karagdagang Impormasyon na nasa kanang ibaba ng napiling page ng data package page.

12. Mag-set up ng APN(access point name) sa device mo kung kinakailangan. 

 

Opsyon 2: Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga detalye nang manu-mano

If you are experiencing issues scanning the QR code or are unable to scan the QR code, you can enter eSIM details manually. Pakisundan ang mga hakbang na ito:

Para idagdag at i-set up ang eSIM mo sa pamamagitan ng manu-manong paraan, pakisundan ang mga hakbang na ito:

1. Piliin ang tab na “Manual” sa itaas

2. Kopyahin ang “SM-DP+Address at Activation Code” (impormasyon sa manu-manong pag-install)

 

3. Pindutin ang Network at Internet

4. Pindutin ang icon ng Magdagdag o + sa tabi ng Mobile Network

5. Pindutin ang Susunod kapag tinananong na, “Walang SIM card?”

6. Pindutin ang Ilagay ang Code nang Manu-mano. Hihilingin sa iyong ilagay ang SM-DP+Address mo kagay ang ibinabahagi sa iyong page ng pag-install ng eSIM.

7. I-on ang eSIM mo sa Mobile Network

8. I-enable ang Mobile data

9. I-enable ang Data Roaming (Paki-off ang primary line mo para maiwasan ang mga babayaran sa roaming mula sa iyong carrier provider kapag nasa ibang bansa)

10. Mag-set up ng APN(access point name) sa device mo kung kinakailangan.

Mahalagang Tip

Kapag na-install na ang eSIM sa pamamagitan ng QR code o Manu-manong paraan, madali mong makukumpleto ang mga hakbang sa pag-access ng data sa pamamagitan ng mga shortcut sa screen ng iyong device sa pamamagitan ng pagpindot sa button na “MGA SETTING” mula sa iyong “Mga hakbang sa pag-access ng data”.

Kung kailangan mo ng anumang tulong, huwag magdalawang-isip na kontakin kami.

Mga nauugnay na tanong

Iba pang mga paksa

Kailangan pa rin ng tulong?

Kontakin kami at agad kang sasagutin ng aming customer support team.
Padalhan kami ng mensahe
Copyright Airalo © 2024