Bakit napakabagal ng eSIM internet ko at paan o ko ito maaayos?

Kung gumagana ang eSIM mo pero parang mabagal ang internet mo, may ilang dahilan na posibleng nakakaapekto sa bilis ng koneksyon ng iyong eSIM.

  • Congestion ng network (masyadong maraming tao ang gumagamit sa parehong network nang sabay-sabay)
  • Prioritization ng carrier (posibleng bigyang prayoridad ng mga local carrier ang sarili nilang mga user)
  • Lakas at coverage ng lokal na signal
  • Configuration ng device o lumang software

Para pahusayin ang iyong koneksyon, subukang sundan ang aming mga hakbang sa pag-troubleshoot.

Paano ko maaayos ang mabagal na internet?

Puwede mong gawin ang mga sumusunod na hakbang para ayusin ang mabagal na internet — tingnan kung bibilis pagkatapos ng bawat hakbang.

Tingnan ang coverage area

Siguraduhing nasa bansa o rehiyon ka kung saan dapat gumana ang iyong eSIM.

Halimbawa, gagana lang ang eSIM ng France habang nasa France ka.

I-reset ang iyong koneksyon sa mobile

I-on ang Airplane Mode, maghintay ng 30 segundo, at i-off ulit ito.

Pinupwersa nito ang telepono mo na kumonekta ulit sa lokal na network.

I-restart ang iyong device

I-off nang tuluyan ang device mo, maghintay ng isang minuto, at i-on ito.

Ire-refres nito ang iyong koneksyon sa network at tumutulong na maasyo ang mga isyu

Manual na pumili ng network

Kung naka-on ang awtomatikong pagpili ng network, subukang i-off ito nang manual at pumili ng isa sa sinusuportahang mga network.

Kung sinusuportahan ng plan mo ang maraming network, subukin ang bawat isa para malaman kung alin ang nagbibigay ng pinakamagandang performance.

Makikita mo ang mga available na network ng iyong eSIM sa seksyong “Access Data” ng mga tagubilin sa pag-install. Sundan ang mga hakbang na nauugnay sa pagpili ng network para piliin ang network nang manual.

Lumipat sa 3G (Kung sinusuportahan)

Kung sinusuportahan ng iyong eSIM at device ang 3G, subukang lumipat sa 3G only mode pansamantala. Tumutulong itong mapahusay ang stability ng network sa mga lugar kung saan mahina o hindi stable ang 4G, 5G, o LTE coverage. Kapag stable na ang koneksyon mo, puwede kang bumalik sa 4G o mas mataas na network.

I-reset ang iyong network

Puwedeng mapabilis ng pag-reset sa iyong network ang koneksyon mo sa pamamagitan ng pag-clear sa luma o conflicting na mga configuration, tulad ng mga network ng Wi-Fi, VPN, o maling mga setting ng APN, na posibleng makaapekto sa iyong koneksyon. Binibigyan nito ang iyong device ng fresh start para kumonekta ulit sa mobile network nang tama, na madalas nagreresulta sa mas mabilis na koneksyon at higit pang stable na performance.

Mahalaga: Ire-reset ng hakbang na ito ang lahat ng iyong mga setting ng network, kabilang ang:

  • Naka-save na mga Wi-Fi network at password
  • Mga configuration ng VPN
  • Mga setting ng APN (Access Point Name)

Pakitandaan, dapat mo lang i-reset ang iyong network kung komportable kang ilagay ulit ang lahat ng nakalistang mga setting.

I-update ang iyong device

Siguraduhing ginagamit ng telepono mo ang pinakabagong bersyon ng software na available.

Palaging siguraduhin na na-backup mo ang iyong data bago mag-update para maiwasan ang anumang pagkawala ng personal na impormasyon.

Anong mga setting ng device ang dapat kong tingnan?

Data roaming

Para sa ilang eSIM, kailangan mong i-on ang data roaming — magagawa mo ito mula sa mga setting ng iyong device. Kung kailangan, sundan ang mga hakbang sa ilalim ng “Access Data” para i-on ang data roaming para sa iyong eSIM.

Para sa mga iOS na device, puwede mong i-on ang data roaming para sa indibidwal na mga SIM — siguraduhing naka-off ito para sa iyong pangunahing SIM para maiwasan ang mga roaming charge.

Para sa mga Android na device, karaniwang naa-apply ang data roaming sa lahat ng SIM na ginagamit — siguraduhing naka-off ang iyong pangunahing SIM para maiwasan ang mga roaming charge.

APN (Access Point Name)

Para sa ilang eSIM, kailangan mong maglagay ng partikular na Access Point Name, o APN, sa setting ng iyong device. Makikita mo ito sa mga tagubilin ng pag-install sa app — sa maraming situwasyon, awtomatikong sine-set ang APN.

Kung hindi ito awtomatikong na-set, sundan ang mga hakbang sa ilalim ng “Access Data” para kopyahin at i-paste ang APN.

Kung may mga tanong ka pa o kailangan pa ng tulong, kontakin ang aming support team — available kami 24/7 at palaging masayang tumulong.

Mga nauugnay na tanong

Iba pang mga paksa

Copyright Airalo © 2021
  • x