Airalo

Pumupunta sa homepage ng Airalo.

Paano gumagana ang Airalo

Alamin kung ano'ng iniaalok ng Airalo, kung paano makakatulong ang Airalo sa iyo, at kung paano gamitin ang Airalo para manatiling konektado sa buong mundo.

Pagsisimula sa Airalo

  • Ginagamit ng mga tao ang Airalo para sa pandaigdigang mobile coverage.

  • Nag-aalok kami ng mga flexible na data package — may mga pantawag at pang-text ang ilan.

  • Kakailanganin mo ng device na sumusuporta sa mga eSIM para magamit ang Airalo.

  • Puwede kang bumili, mag-install, at mag-manage ng mga eSIM mula sa aming app.

Ipinapakita ang content ng naka-embed na video.

Matuto sa Airalo | Explainer Video ng Local Kumpara sa Regional Kumpara sa Mga Global eSIM

Ano ang isang eSIM?

Ano ang isang eSIM?
May kasamang eSIM ang bawat package na iniaalok ng Airalo. Ang eSIM ay nangangahulugang “embedded SIM” — para itong digital na SIM card. Gaya ng mga pisikal na SIM, binibigyang-daan ng mga eSIM ang mga device na tulad ng mga mobile phone, tablet, at kahit pa mga laptop na kumonekta sa mga mobile network. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga eSIM, madali kang maikokonekta ng Airalo sa mga network sa lokasyon ng iyong package. Kung maubos o mag-expire na ang iyong package, puwede lagyan ng load ang eSIM na iyon para manatiling konektado.
Ano ang eSIM?
Compatibility ng device
Para gumamit ng Airalo eSIM, dapat matugunan ng device ang mga sumusunod na kundisyon: • Sinusuportahan ng device ang mga eSIM. • Hindi naka-lock sa carrier o network ang device. • Hindi jailbroken (iOS) o rooted (Android) ang device. Puwede mong gamitin ang aming listahan para makita kung eSIM compatible ang device na gusto mong gamitin. Tandaan, posibleng hindi sinusuportahan ng ilang regional model ang mga eSIM. Regular na ina-update ang aming listahan, pero hindi ito kumpleto — kung hindi mo nakikita ang iyong device, kumpirmahin sa manufacturer na sinusuportahan nito ang mga eSIM.
Compatibility ng device
Stay connected abroad

Manatiling konektado sa ibang bansa

Ma-access ang mga mobile network, kahit nasaan ka

Nakikipagtulungan ang Airalo sa mga network provider sa buong mundo para panatilihing konektado ang mga tao kapag kailangan nila ng pandaigdigang mobile coverage.

Avoid roaming charges

Iwasan ang mga roaming charge

Laktawan ang mamahaling mga bill

May premium sa roaming ang karamihan sa mga mobile plan. Nag-aalok ang Airalo ng mga flexible na package para manatili kang konektado nang hindi kailangang gumastos nang malaki.

Paano gamitin ang Airalo

Pumili ng lokasyon

Nag-aalok ang Airalo ng coverage para sa higit 200 lokasyon — puwede kang pumili ng coverage para sa iisang bansa, sa buong rehiyon, o kahit pa sa buong mundo.

Pumili ng package

Ang bawat package ay makasamang dami ng data na valid sa isang partikular na panahon — may unlimited na data ang ilang package, ang ilan naman ay may kasamang mga pantawag at pang-text.

I-install at kumonekta

Kapag handa ka na, i-install ang iyong eSIM — ilang minuto lang ang pag-install at kailangan mo ng koneksyon sa internet.

Mga App store
Kami ang bahala sa iyo, kahit saan
I-download ang Airalo app para madaling bumili, mamahala, at mag-load ng mga eSIM on-the-go.
I-download ang iOS app

Pumupunta sa page ng Airalo sa App Store ng Apple.

Rating
4.7
I-download ang Android app

Pumupunta sa page ng Google Play Store.

Rating
4.6