Nakakalat ang aming team sa 20+ bansa at anim na kontinente. Ang nagbibigkis sa atin ay ang ating commitment na baguhin ang paraan ng pagkonekta ng mga tao.
Pinapahalagahan namin ang pagiging iba't iba, pagsasama, at pagkakapantay-pantay. Matatagpuan sa maraming kontinente ang aming organisasyon, na may iba't ibang background at natatanging mga karanasan.
Ang mission ng Airalo ay para gawin ang gateway sa instant connectivity sa buong mundo. Narito kami para palayain ang mundo sa mga limit ng roaming at tulungan ang lahat na kumonekta kahit saanman.
Benepisyo - 01
Malaking bahagi ng aming tagumpay ang aming team. Tumatanggap ang bawat miyembro ng team ng mga stock option kaya may ownership sila sa aming paglago.
Benepisyo - 02
Ibinibigay namin ang mga tool at teknolohiyang kailangan mo para makapagtrabaho ka nang pinakamahusay at manatiling konektado.
Benepisyo - 03
Nagbibigay kami ng dagdag na bayad para puwede mong i-upgrade ang iyong setup at magtrabaho sa bahay nang komportable.
Benepisyo - 04
Tulad ng mga user namin, ang mga miyembro ng team namin ay namumuhay, nagtatrabaho, at bumibiyahe sa buong mundo.
Benepisyo - 05
Gusto naming maganda ang pakiramdam mo. Tumatanggap ang mga miyembro ng team ng taunang wellness credit para suportahan ang kanilang kalusugan at kapakanan.
May mga teammate kami sa buong mundo na patuloy na ginagawang napakahusay na organisasyon ang Airalo.
1
Nakita mo ang iyong pangarap na trabaho sa Airalo? Gawin ang unang hakbang at mag-apply para sa (mga) tungkuling interesado ka! Kapag nag-apply ka na, puwede mong asahan ang sagot namin sa loob ng isang linggo.
2
Kung maging maayos ang lahat, magse-set up kami ng sunud-sunod na mga interview kasama ang Airalo team. Maging curious, magtanong, at pinakamahalaga, magpakatotoo. Gusto naming makasiguro na tamang-tama ito para sa lahat.
3
Pagkatapos ng mga interview mo, aalamin ng hiring team namin kung ikaw ang tama para sa tungkulin. Kung matagumpay, gagawin namin itong opisyal at iimbitahan kang sumali sa team ng Airalo.