Ang ibig sabihin ng APN ay Access Point Name. Sinasabi nito sa iyong device kung paano kumonekta sa internet. Sa ilang eSIM ng Airalo, kailangan mong manual na i-update ang mga setting ng APN para ma-access ang data.
Makikita mo ang mga detalye ng APN para sa iyong eSIM sa app ng Airalo:
- Mag-log in sa iyong Airalo account
- Pumunta sa Aking mga eSIM
- Piliin ang eSIM na gusto mong i-install
- I-tap ang Tingnan ang mga detalye
- Buksan ang mga tagubilin sa pag-install. Depende sa bersyon ng iyong app, posibleng makita mo ang:
- Tingnan ang Mga Tagubilin sa Pag-install > Part 2/2, o
- Paano gamitin ang iyong eSIM > Paano i-install ang eSIM
Kung hindi nakalista ang APN, nangangahulugan itong awtomatikong na-configure ang eSIM mo, at wala nang aksyon ang kailangan.
Sa iOS:
- Buksan ang Mga Setting
- Piliin ang Cellular (o Mobile Data)
- Piliin ang iyong eSIM sa ilalim ng Mga Cellular Plan (o Mga Mobile Data plan)
- Piliin ang Cellular Data Network (o Mobile Data Network)
- Ilagay ang APN na kagayang-kagaya ng ipinapakita sa mga detalye ng pag-install ng iyong eSIM (lowercase lahat, walang space)
- Halimbawa: globaldata
- Iwanang blang ang ibang mga field
Sa Android:
- Buksan ang Mga Setting
- Piliin ang Network at Internet (posibleng makita rin ito bilangMga Koneksyon sa ilang device)
- Piliin ang Mga Mobile Network
- Piliin ang Mga Access Point Name
- Ilagay ang APN na kagayang-kagaya ng ipinapakita sa mga detalye ng pag-install ng iyong eSIM (lowercase lahat, walang space)
- Halimbawa: globaldata
- Iwanang blang ang ibang mga field
Kapag na-update mo na ang iyong APN, dapat kumonekta ang device mo sa mobile data gamit ang iyong Airalo eSIM. Kung hindi agado ito kokonekta, i-restart ang iyong device para i-apply ang mga bagong setting.