Paano ko titingnan kung sinusuportahan ng Android device ko ang eSIM?

Kung ang isang device ay eSIM-compatible ay depende sa kung ang manufacturer ay may kasamang eSIM sa kanilang mga device. Kaya naman mayroon kaming listahan ng mga eSIM-compatible na device para sa madaling pagsuri.

Gayunpaman, may ilang situwasyon na hindi sinusuportahan ng device ang eSIM technology, kahit pa nakalista ito bilang eSIM-capable. 

Open-source na operating system ang Android, na nangangahulugang puwede itong i-customize ng sinumang manufacturer o carrier ng mobile device. Sa ilang bansa at rehiyon, posibleng may mga model na na-release nang walang eSIM capability. O kaya ay posibleng walang naka-enable na feature ng eSIM sa carrier na binilhan mo ng iyong device.

Sundan ang mga hakbang na ito para tingnan kung sinsuportahan ng Android device mo ang eSIM technology. Pakitandaan na posibleng angkop o hindi ang mga hakbang na ito sa iyong device. Ang pinakamahusay pa ring paraan para makumpirma ang eSIM capability ay sa pamamagitan ng manufacturer, vendor, o primary carrier.

Para sa mga Samsung Galaxy device:

  1. BUKSAN ang app na Mga setting, pagkatapos ay PINDUTIN angMga koneksyon.
  2. PINDUTIN ang SIM Manager.
  3. Kung available ang Idagdag ang eSIM, malamang na sinusuportahan ng iyong device ang mga eSIM.

Tandaang makipag-ugnayan sa iyong provider o manufacturer ng device para kumpirmahin kung posible ang mga hakbang sa itaas para sa iyong device.  

Para sa mga Google Pixel device:

  1. BUKSAN ang app na Mga setting, pagkatapos ay PINDUTIN ang Network at Internet.
  2. PINDUTIN ang + sign sa tabi ng mga SIM.
  • Kung may opsyon na "Mag-download na lang ng SIM?" ang page na Kumonekta sa mobile network, eSIM capable ang iyong device.

Tandaang makipag-ugnayan sa iyong provider o manufacturer ng device para kumpirmahin kung posible ang mga hakbang sa itaas para sa iyong device.  

Para sa iba pang mga Android device:

  1. I-DIAL ang *#06# at pindutin ang call button.
  2. Kung eSIM-compatible ang device mo, magagawa mong makita ang eSIM unique identification number (EID) ng iyong device. 

 

Dapat ding carrier-unlock ang iyong device para gumamit ng eSIM. Binibigyang-daan ka nito na gumamit ng maraming SIM at/o mga eSIM mula sa iba't ibang carrier. Sundan ang mga hakbang na ito para tingnan kung naka-unlock ang iyong Android device. 

  1. Alisin ang SIM card ng iyong telepono.
  2. Palitan ang SIM card ng isa pang SIM card mula sa ibang carrier. 
  3. Makikita mo na ngayon na nagbago ang pangalan ng carrier sa itaas ng iyong home screen.
  4. Ngayon ay tumawag sa iba.

Kung magawa mong tumawag, naka-unlock ang telepono mo. Kung hindi ka makatawag ngayon, naka-lock ang telepono sa unang carrier. Sa ngayon, posibleng may nakikita ka ring notice sa screen na nagsabing naka-lock ang telepono.

Huwag kalimutang tingnan sa iyong device manufacturer, vendor, o primary carrier para kumpirmahin ang eSIM capability kung hindi ka pa rin sigurado. 

Kung may mga tanong ka, huwag mag-atubiling kontakin ang aming support team, at matutuwa kaming tulungan ka!

Mga nauugnay na tanong

Iba pang mga paksa

Kailangan pa rin ng tulong?

Kontakin kami at agad kang sasagutin ng aming customer support team.
Padalhan kami ng mensahe
Copyright Airalo © 2021
  • x