Top 5 na Best European SIM Card para sa Mga Biyahero

Top 5 na Best European SIM Card para sa Mga Biyahero

Sa higit sa 160 kultura at libu-libong taon ng kasaysayan na isiniksik sa ikalawang pinakamaliit na kontinente (bahagya lang na mas malaki sa U.S.), nag-aalok ang Europe ng sapat na mga karanasan na tatagal nang habam-buhay.

Mabilis ka lang makakagugol ng weekend, isang season, o kahit pa mga taon sa pag-explore sa mga labyrinthine na lungsod ng 44 na mga bansa nito.

Palaging exciting ang pagbiyahe sa isang bagong lungsod, na may maraming magandang puntahan pero kaunti lang ang panahon. Posibleng mapigilan kang makumpleto ang maingat mong pinlanong listahan ng biyahe kung maligaw ka sa isang hindi pamilyar na lugar na walang signal. Bakit isasapanganib na maligaw sa isang hindi pamilyar na lugar kung magagamit mo naman ang iyong Google Maps?

Ayusin ang iyong data plan nang maaga at siguruhing mananatili kang konektado saan ka man dadalhin ng mga paglalakbay mo. Narito ang aming piniling limang pinakamahusay na European eSIM para sa mga biyahero.

Ang Mga Pinakamahusay na European eSIM Card para sa Mga Biyahero

 

Kailangan ng pagsisikap para matutunang gamitin ang iyong telepono sa ibang bansa. May maraming kuwento ng mga biyahero na nakakuha ng hindi kapani-paniwalang mga singil na hindi nila sinasadyang maipon habang nagbabakasyon. Bagaman naaayos ng pagbili ng lokal na SIM card ang problemang iyon, hindi ito kumbinyente – lalo na kung bumibisita ka sa isang bagong bansa bawat linggo.

Hindi ba kapani-paniwala ang abot-kaya at kumbinyente? Posible sa isang eSIM. Kung papunta kang Europe, kailangan mo ng isa. Narito ang mga pinakamahusay na European eSIM card para sa mga biyahero.

1. Prepaid na Regional eSIM ng Eurolink

Prepaid na Regional eSIM ng Eurolink

Nagpaplano ng biyahe sa Europe ng isang buwan o babiyahe para sa trabaho? Samantalahin ang isa sa anim na prepaid na regional eSIM card ng Eurolink.

Nasa 1 hanggang 100GB ang mga data package, at mula isang linggo hanggang anim na buwan. Binibigyan ka nito ng pinakamahusay na flexibility para piliin ang dami ng data na gusto mong bayaran (at madali lang mag-load). Sa saklaw na 39 na bansa, mayroon ka lang isang plan at ang kalayaang pumunta kahit saan. Ito ang ultimate na data plan para sa European adventure.

Piliin ang opsyong ito kapag:

  • Dadalhin ka ng itinerary mo sa maraming bansa at mas pinili mong hindi mag-alala tungkol sa iyong SIM card
  • Magtatagal ka roon at kailangan ng data plan para sa 90 o 180 araw
  • Gusto mo ng data plan bawat buwan na madaling pasahan ng load

2.  Discover Global eSIM

May mga bagong alituntuning paparating para sa mga biyaherong papunta sa Schengen Zone. Nangangahulugan ito na ang biyahe mo sa Europe ay posibleng hindi lang sa Europe mismo kung plano mong bumiyahe nang higit sa tatlong buwan.

Kung nagpaplano kang bumiyahe sa Iceland, France, o sa Morocco, isaalang-alang sa halip ang pagkuha ng Global eSIM mula sa Airalo. Gumagana ito sa 95 bansa (hindi iyon typo) at available sa lingguhan o buwanang pagdaragdag.

Ikaw ang magpapasiya, at mayroon kaming mga ideal na data plan para i-enjoy ito. Piliin ang opsyong ito kapag:

  • Gusto mo ng maximum na kalayaang gumala sa mga kalapit na bansa na hindi sakop ng Eurolink eSIM
  • Pangmatagalang biyahero ka at dadaan ka lang sa Europe
  • Babiyahe ka sa mga bansa na tulad ng Hungary, na posibleng makaranas ng mas mabagal na data rate gamit ang Eurolink eSIM

3. Prepaid eSIM ng Mamma Mia para sa Italy

Prepaid eSIM ng Mamma Mia para sa Italy

Nagpaplano ka bang sumali sa halos 90 milyong turista na bumibisita sa Italy bawat taon? Kumuha ng mura, partikular sa Italy na prepaid Mamma Mia eSIM, ang pinaka-abot kayang eSIM na data plan ng bansa.

Nagkakahalaga ang 5GB plan para sa 30 araw ng hanggang $10.50.

Kasama ba sa intinerary mo ang Italy? Piliin ang opsyong ito kapag ikaw ay:

  • Pupunta lang sa Italy at hindi kailangang magbayad para sa mga karagdagang bansa
  • Kailangan lang ng lokal na eSIM sa loob ng ilang araw o isang linggo
  • Gusto ng mas mabilis na data kaysa sa pinakamalaki, lokal na mga network na nasa lugar

4. Bonbon Mobile Prepaid eSIM para sa France

Bonbon Mobile Prepaid eSIM para sa France

Hindi kumpleto ang biyahe sa France nang hindi sumusubok ng eleganteng pagkain, paghanga sa napakagandang arkitektura, at siyempre pa, ang TSOKOLATE.

Siguruhing makakakuha ka ng Bonbon … ang prepaid na eSIM card.

Kagaya ng Mamma Mia, binibigyan ka ng Bonbon Mobile ng ilang data plan. Bagaman nalaman namin na ang pitong araw na 1GB package ang pinakasikat, mayroon ka ring pagpipilian na tatlong 30 araw na opsyon. Binibigyan ka nito ng maraming oras para libutin ang mga lungsod at kasing ganda nitong kanayunan.

Papunta ka bang France? Piliin ang opsyong ito kapag ikaw ay:

  • Pupunta lang sa France at hindi gusto ang halaga ng serbisyo sa mga karagdagang bansa
  • Kailangan ng flexibility sa haba ng iyong mga data plan
  • Hindi sigurado kung gaano karaming data ang kailangan mo at gusto ang kakayahang mag-adjust sa mga plan kapag kinakailangan

5.  Guay Mobile Prepaid eSIM para sa Spain

Guay Mobile Prepaid eSIM para sa Spain

Ipinagmamalaki ng ikalawang pinakamalaking bansa sa E.U ang mga beach sa dalawang karagatan, ang hindi mabilang na mga kastilyo, at 63 porsyento ng produksyon ng olive oil ng rehiyon. Isa rin itong napakasikat na destinasyon para sa digital nomad at turista, salamat sa mababang halaga ng bilihin.

Ipinapakita ng mga eSIM data plan mula sa Guay Mobile ang huling katotohanang iyon, sa 1GB ng data na nagkakahalaga ng hanggang $4.50. Gayunpaman, kung mananatili ka nang mas matagal sa isang linggo, puwede kang kumuha ng 30 araw, 5GB na supply sa halagang $12.

Ganoon lang kasimple at kadali. Piliin ang opsyong ito kapag ikaw ay:

  • Nangangailangan ng mura, flexible na data plan na available lang para sa Spain
  • Hindi sigurado kung gaano katagal kang mananatili at gusto ng madaling napapasahan ng load na plan
  • Gusto ang bilis at pagkamaaasahan ng network

Manatiling Konektado Saan ka man Bumibisita

 

Kung papunta kang Europe, siguraduhing aayusin mo ang iyong mobile data plan nang maaga. Kumbinyente, flexible, abot-kayang paraan ang eSIM para masiguro na mananatili kang konektado saan ka man papunta. Pinag-usapan natin ang limang pinakamahusay na European SIM card para sa mga biyahero sa 2022. Lalakbayin mo man ang buong kontinente o gugugol ng panahon sa ilang mga cultural capital ng rehiyon, may mga package kami na aangkop sa iyong bawat pangangailanga.

Tuklasin kung paano ka matutulungan ng store ng Airalo eSIM na gawing walang stress ang susunod mong bakasyon.

 


Handa ka na bang subukan ang eSIMs at mabago ang paraan kung paano ka nananatiling nakakonekta?

I-download ang Airalo app para bumili, mag-manage, at mag-load sa iyong eSIMs anumang oras, saanman!

Airalo | Download mobile app
Airalo | Use your Free Credit

Gamitin Ang Iyong Libreng Credit.

Puwede kang kumita ng US$3 Airmoney credit sa pamamagitan ng pagbabahagi ng referral code mo sa mga kaibigan.