Nagpaplanong magbiyahe sa 2022? Hindi ka nag-iisa.

Pagkatapos ng mahaba at malungkot na taon ng lockdown, gustung-gusto na nating bumiyahe. Siyempre pa, hindi iyon ganon kasimple.

Nananatiling isang hamon ang mga restriksyon ng COVID-19, at puwedeng biglaan ang mga pagbabago. Mula pagsasara ng mga border hanggang sa mga kinakailangang testing, puwedeng maging hamon ang pagbiyahe sa ibang bansa ngayon.

Bagaman ang pinakaligtas na opsyon ay manatili sa bahay at malayo sa iba, unti-unti nang bumabalik ang pagbabiyahe dahil ipinagpapalagay ng mga bansa na ligtas nang buksan muli ang kanilang mga border.

Narito ang mas detalyadong pagsusuri sa kalagayan ng pagbabiyahe ngayong taon at ang ilan sa mga paborito naming pupuntahang lugar.

Mga nangungunang travel destination sa 2021

Ligtas Bang Bumiyahe?

Maraming bansa ang opisyal na nagsimulang buksan ang kanilang mga border para sa turismo noong 2020, pero naging mahirap iyon. Mula sa mga bagong variant ng COVID-19 hanggang sa biglaang pagtaas ng kaso sa mga holiday, madalas na isinasara ng mga bansa ang kanilang border sa ilang araw na notice lang.

Nagkakasundo ang mga eksperto na ang pagbabalik ng pagbiyahe ay “magiging unti-unti,” lalo na habang sinisimulang ipatupad ang papapabakuna. Gayunpaman, imposibleng magbigay ng diretsong sagot kung kailan talaga magiging ligtas na magbiyahe ulit.

Kung nagpaplano ka ng biyahe, inirerekomenda naming tandaan ang mga tip na ito para masiguro ang isang matagumpay, walang stress na pagbabakasyon:

  • Manatiling mapagbantay sa mga pagbabago. Bantayan ang situwasyon ng COVID-19 sa iyong bansa at sa bansang plano mong bisitahin. Gayundin, kumpirmahin ang anumang mga paghihigpit sa border bago ka pumunta sa airport.
  • Ihanda ang kamakailang negative test sa COVID-19. Magpa-test at palaging dalhin ang test na ito. Gayundin, tingnan kung kailangan ng pupuntahan mo na mayroong kang COVID-19 tracing app sa iyong telepono.
  • Unahin ang personal mong kalusugan. Magdala ng hand sanitizer, mga karagdagang mask, at gloves kung sa palagay mo ay kailangan mo ang mga ito. Huwag mag-alala kung magmukhang katawa-tawa. Mas ok iyon kaysa magkasakit.
  • Mag-contactless hangga't posible. Gumamit ng mga digital na tiket, kumuha ng eSIM, at gawin ang mga bagay online hangga't posible. Huwag kalimutang i-download ang mahahalagang travel app bago ka umalis.
  • Ayusin ang iyong connectivity. Siguruhin puwede mong i-access ang pinakabagong impormasyon. Inirerekomenda naming kumuha ka ng eSIM na mga data plan bago ka bumiyahe para mabawasan ang stress.

6 na Top Travel Destination para sa 2022: Ang Mga Paborito Namin

Iniisip ang susunod mong pupuntahan? Narito ang anim sa mga paborito namin, nang may ilang detalye kung anong ginagawa ng mga ito para ma-manage ang COVID-19 habang tinatanggap ang mga turista sa kanilang mga bansa.

1. Turkey

Binubuo ng turismo ang 12 porsyento ng ekonomiya sa Turkey, at bumagsak ito nang 72 porsyento noong 2020. Gayunpaman, inaasang makakabawi ang bansa – nagtakda pa nga ito ng mataas na layuning 25 milyong turista ngayong taon.

Ang dapat malaman: Dapat malaman ng mga biyahero ang ilang partikular na item na nauugnay sa mga ito:

  • Pansamantalang hindi kasama sa curfew ang mga turista sa bansa at hindi kailangan ng mga travel permit.
  • Dapat magbigay ang lahat ng indibidwal na papasok sa bansa ng negative na COVID-19 test na ginawa sa loob ng tatlong araw bago bumiyahe.
  • Aalamin sa airport kung maymga sintomas ka.

Kailangang manatiling konektado sa Turkey? Makakuha ng mga plan para sa Turkey dito.

2. Dubai

Tulad ng Turkey, umaasa ang Dubai sa mabilis na pagbangon ng sektor ng turista. Sa dulo ng 2020, nag-anunsyo ang lungsod ng bagong programa ng remote na pagtatrabahona nilayong akitin ang mga remote worker na naroroon at nasa ibang bansa. Puwede na rin nitong angkinin ang korona bilang ang pinaka-digitally connected na lungsod sa mundo.

Ang dapat malaman: May mahigpit na mga kinakailangan ang Dubai para makapasok. Puwede mong basahin ang mga ito sa website ng Emirates, pero naririto ang ilang mahalagang highlight:

  • Hindi pinapayagan ang mga indibidwal na mula sa mga parikular na bansa na makapasok sa Dubai, nakatira man sila roon o hindi.
  • Dapat magpakita ang karamihan ng indibidwal ng negative na COVID-19 test na ginawa nang hanggang 96 oras bago ang pagdating.
  • Dapat mong i-download ang DXB Smart App sa iyong telepono.
  • Tatanggap ka ng libreng coverage para sa mga nauugnay na gastos sa COVID-19, kabilang ang quarantine, sa pamamagitan ng Emirates.

Kailangan ng connectivity sa Dubai? Makakuha ng mga plan para sa UAE dito.

3. Bali

Isang classic na puntahan ng turista ang Bali na halos maalamat ang reputasyon. Labis na nalungkot ang marami na gustong bumisita dito sa halos total shutdown nito noong 2020. Gayunpaman, isa ito sa mga inaantay na lugar para magbukas ulit, at nasa listahan namin ito ng mga lugar na dapat puntahan. Nagsimulang magbukas ulit ang Bali para sa mga turista sa simula ng 2021.

Ang dapat malaman: Hindi na-ban ng Indonesia ang mga turista sa pagpasok sa bansa kahit pa nahirapan itong kontrolin ang virus. Kaya naman, siguraduhing sundin ang lahat ng mga alituntunin kapag pumasok ka sa bansa dahil ang parusa hindi pagsunod ay magkakaiba at istrikto.

Makakuha ng mga plan para sa Indonesia dito.

4. Maldives

Gustong pumunta sa isang lugar na tahimik? Subukan ang Maldives. Binansagan itong “ligtas na destinasyon” ng World Travel and Tourism Council salamat sa pagiging remote nito at kaunting populasyon. Nagbukas pa ng aito sa gitna ng 2020 habang nagkakagulo ang ibang bahagi ng mundo para maayos ang mga bagay-bagay. Nakakalat ang mga hotel sa maliliit na isla na tamang-tama para mapag-isa. Dahil sa kaunting tao lang sa maliit na isla, nasa mas ligtas na kapaligiran ka kaysa sa malalaking lungsod.

Ang dapat malaman: Bagaman mukhang normal na ang bakasyon sa Maldives, may ilang bagay pa ring dapat tandaan:

  • Kailangan mo ng negative na COVID-19 test na isusumite mo online 24 oras bago ang pagdating.
  • Kasalukuyang naka-ban ang mga cruise ship.
  • May ilang binagong mga notification requirement sa pamahalaan kung plano mong maggala-gala.

Makakuha ng mga plan para sa Maldives dito.

5. Bonaire

Gusto ang ideya ng tropical island na may malinis na hangin, tubig, at napakalawak na lugar (hindi kagaya ng mataong lungsod)? Subukan ang Bonaire. Ang halos di-kilalang isla na ito na silangan ng Aruba and Curaçao ay nagbukas sa mga banyaga noong enero 15, 2021 bagaman ang status ng mga direct fligt ay nananatiling pabagu-bago.

Ang dapat malaman: Kung hindi ka puwdeng lumipad nang direkta, puwede kang dumaan sa Aruba and Curaçao. Kung galing ka sa isang high-risk na bansa, kailangan mo ng four-hour antigen test. Sa lahat ng ibang bansa, kakailanganin mo ng negative test sa loob ng tatlong araw bago ang biyahe.

Makakuha ng mga data plan para sa Bonaire atang Caribbean dito.

6. Santorini

Kung gusto mo dating bisitahin ang Santorini pero natatakot sa dami ng tao, ngayon na ang pagkakataon mo. Ang isla ay bukas para sa mga turista na manggagaling sa Greece – at bukas ang Greece para sa mga turista mula sa ibang bansa at nagpapatupad ng mga bagong health protocol.

Ang dapat malaman: Kung manggagalin ka sa U.S., kakailanganin mo na ang iyong ETIAS waiver. Mangangailangan ka rin ng negative RT-PCR test na nakasulat sa English na ginawa nang hindi lalampas sa 72 oras bago ang biyahe. (puwedeng magbago)

Makakuha ng mga plan para sa Greece dito.

Ikutin ang Mundo nang Ligtas gamit ang Airalo

Umaasa kamin na mas makakapagbiyahe ka ngayong taon, pero ang pinakamahalaga ay ang manatiling ligtas. Pinag-usapan natin ang mga nangungunang travel destination na aktibong gumawa ng mga hakbang para i-welcome ulit ang mga turista sa kanilang mga border.

Gayunpaman, habang pinaplano mo ang iyong biyahe, tandaan na puwedeng magbago ang mga bagay nang biglaan. Sa pamamagitan ng eSIM mula sa Airalo, puwede kang manatiling flexible, informed, at handang gumawa ng mga pagbabago kapag kinakailangan.

Kailangang manatiling konektado sa iyong biyahe? I-explore ang marketplace ng Airalo eSIM at malaman kung paano ka puwedeng manatiling konektado saan ka man pupunta.