Airalo

Pumupunta sa homepage ng Airalo.

Tingnan ang mga nauugnay na artikulo

Ano ang recycling ng eSIM?

Kailangan ng ilang provider ng eSIM na ginagamit ang mga eSIM sa partikular na mga yugto ng panahon pagkaraan ng pagbili — nangangahulugan itong aktibong nakakonekta sa isang network, hindi lang naka-install sa isang device.

Kung hindi gagamitin ang isang eSIM sa yugto ng panahon, ire-recycle iyon — nangangahulugan ito na hindi na ito magagamit pa ng taong bumili nito.

Bakit nare-recycle ang mga eSIM?

Tumutulong ang pag-recycle ng eSIM sa mga provider na i-manage ang mga eSIM na available sa kanila at nagsusulong ng mas mahusay na paggamit ng network.

Walang kontrol ang Airalo kung mare-recyle ang isang eSIM o hindi.

Paano ko malalaman kung mare-recycle ang isang eSIM?

Bago ka bumili ng eSIM, puwede mong tingnan sa mga detalye ng package kung mayroon itong patakaran sa pag-recycle — kasama rito ang panahong mayroon ka para simulang gamitin ang eSIM.

Kung bumili ka ng eSIM na may patakaran sa pag-recycle, pumunta sa mga detalye ng eSIM sa app para makita kung gaano katagal ang panahon na mayroon ka para simulang gamitin iyon.

Gaano katagal ang panahong mayroon ako bago ma-recycle ang isang eSIM?

Puwedeng mag-iba ang yugto ng panahon ng pag-recycle, depende sa provider — madalas na nasa 90 araw ito mula sa pagbili, pero siguraduhing tingnan ang partikular na panahon ng pag-recycle ng iyong eSIM.

Puwede ba akong mag-top up ng mga eSIM na nare-recycle?

Oo, puwede kang mag-top up ng mga eSIM na puwedeng ma-recycle.

Pagkaraang mag-expire ang validity period ng iyong package, mare-reset ang yugto ng panahon ng pag-recycle.

Halimbawa, kung may 90 araw ka para simulang gamitin ang eSIM, karaniwan nang may 90 araw ka para magsimulang gumamit ng top up package.

Ano'ng mangyayari kung hindi ko ako gagamit o mag-top up ng eSIM?

Kung hindi mo gagamitin o i-top u pang iyong eSIM sa tinukoy na petsa, mare-recycle iyon at mawawalan ka ng kakayahan na gamitin ang eSIM.

Kung na-recycle ang iyong eSIM, kailangan mong bumili ng bagong eSIM para makakuha ng coverage sa parehong lokasyon.

Kung may mga tanong ka tungkol sa pag-recycle ng eSIM o anumang ibang mga paksa, huwag magdalawang-isip na kontakin ang aming support team. Available kami nang 24/7 at palaging masayang makatulong.