Airalo

Pumupunta sa homepage ng Airalo.

Tingnan ang mga nauugnay na artikulo

Paano ko magagamit ang mga pagtawag at ext sa aking eSIM?

Ang ilang eSIM na iniaalok ng Airalo ay may kasamang kakayahang tumawag at mag-text (SMS). Kung nagkakaproblema ka sa pagtawag at pag-text gamit ang iyong eSIM, posibleng dahil iyon sa ilang dahilan.

May kasama bang mga pagtawag at text ang eSIM ko?

Bagaman nag-aalok ang Airalo ng mga eSIM na may mga pagtawag at text, marami ang may kasama lang na data.

Puwede mong makita kung may kasamang mga pagtawag at text ang iyong eSIM sa ilalim ng "Uri ng Plan" sa karagdagang impormasyon nito.

May kasamang mga pagtawag at text ang mga plan na “Data, Voice at Text”. Walang kasamang pagtawag at text ang mga plan na “Data Lang”.

Saan ko makikita kung may kasamang mga pagtawag at text ang isang eSIM?

Bago ka bumili ng eSIM, makikita mo ang karagdagang impormasyon bago ka mag-check out. 

Pagkatapos mong bumili ng eSIM, pumunta sa Aking mga eSIM at piliin ang nauugnay na eSIM — makikita mo ang karagdagang impormasyon sa "Ipakita ang Higit pa."

Puwede ba akong gumamit ng mga messaging app para tumawag gamit ang data lang na mga eSIM?

Oo, karaniwang magagamit mo ang mga messaging app tulad ng WhatsApp, Telegram, at Signal para tumawag gamit ang data lang na mga eSIM — karaniwang data lang ang ginatamit ng mga app na ito.

Bakit hindi gumagana ang eSIM ko na may mga pagtawag at text?

Kung may kasamang mga pagtawag at text ang eSIM mo, subukan ang sumusunod kung nagkakaproblema ka sa pagpapadala o pagtanggap ng mga tawag at text:

1. Tiyaking naka-install ang eSIM — dapat mo itong makita sa mga setting ng device.
2. Tiyaking pinili ang eSIM mo para sa mga pagtawag at text — sundan ang mga hakbang sa mga tagubilin sa pag-install.
3. Tiyaking nasa coverage area ka ng eSIM — ito ang tanging lokasyon kung saan gagana ang eSIM mo.

Kung nagawa mo na ang lahat ng nasa itaas, subukang piliin ang network ng eSIM nang manual. Kokonekta ang eSIM mo sa isang network sa coverage area nito — kung minsan, puwede itong kumonekta sa maraming network. Awtomatiko nitong pipiliin ang pinakamalakas na available na network, pero puwedeng aksidenteng kumonekta ito sa mas mahinang network.

Pumunta sa mga detalye ng eSIM para mahanap ang listahan ng mga available na network para sa eSIM mo. Sundan ang mga hakbang para manual na piliin ang tamang network sa pamamagitan ng mga setting ng mobile network ng iyong device. Madalas na nakakatulong ito na maayos ang mga isyu sa mga pagtawag o SMS.

Kapag may ginawa ka nang mga pagbabago, i-restart ang iyong device kung nagkakaproblema ka pa rin.

Paano ako makakatawag at makakapag-text gamit ang aking eSIM?

Palagi mo dapat isama ang country code para gumawa ng mga international call o text gamit ang iyong eSIM — tiyaking ilalagay mo ang numero ng telepono nang may plus sign (+).

- Tama: +1 555 123 4567
- Mali: 001 555 123 4567 o 0555 123 4567

Kung nagsisimula sa zero ang area code, alisin ang zero kapag nagda-dial nang international.

- Tama: +30 73 1234 5678
- Mali: +30 073 1234 5678

Paano matatawagan o mate-text ng mga tao ang aking Discover+ eSIM?

Kapag nagda-dial ng Discover+ eSIM, kailangan mong isama ang sumusunod:

- Isang plus sign (+)
- Ang country code ng eSIM (karaniwang “+1”)
- Ang numero ng telepono

Hindi mo kailangang baguhin o ilagay ang country code nang hiwalay. 

Kung may mga tanong ka pa rin, handang tumulong ang support team namin sa iyo. Available kami nang 24/7 at palaging masayang makatulong.