Airalo

Pumupunta sa homepage ng Airalo.

Tingnan ang mga nauugnay na artikulo

Paano i-optimize ang paggamit ng data ng iyong eSIM

Ganap na nakadepende ang paggamit ng data sa mga setting ng iyong device at ang iyong mga nakasanayan sa paggamit.

Kung mapansin mong masyadong mabilis maubos ang data ng eSIM mo, matutulungan ka ng gabay na ito na ma-optimize ang paggamit ng data ng iyong device.

Paano tingnan ang iyong paggamit ng data

Puwede mong tingnan kung aling mga app ang gumagamit ng pinakamaraming data sa iyong device — karaniwang ginagawa ito sa mga setting ng device.

Paano tingnan at i-limit ang paggamit ng data sa mga device na iOS

Puwede mong tingnan ang iyong paggamit ng data sa mga device na iOS — puwede mo ring i-off ang paggamit ng data para sa mga partikular na app mula sa iyong mga setting.

  1. Pumunta sa Mga Setting > Cellular.
  2. Mag-scroll sa seksyong may label na “Cellular Data for…” para sa iyong active na eSIM.
  3. Tingan kung aling mga app ang gumagamit ng napakaraming data.
  4. I-off ang data para sa mga app, kung kinakailangan.

Paano tingnan ang paggamit ng data sa mga Samsung device

Puwede mong tingnan ang iyong paggamit ng data sa mga Samsung device mula sa mga setting mo.

  1. Pumunta sa Mga Setting > Mga Koneksyon > Paggamit ng data.
  2. Mag-scroll sa iyong aktibong eSIM at piliin ang Paggamit ng mobile data

Paano tingnan ang paggamit ng data sa mga Android device

Puwede mong tingnan ang paggamit ng data sa mga Android device mula sa iyong mga setting.

  1. Pumunta sa MGA SETTING at i-tap ang NETWORK AT INTERNET.
  2. I-tap ang Mga SIM at piliin ang iyong aktibong eSIM.
  3. Mag-scroll down hanggang sa makita mo ang PAGGAMIT NG DATA NG APP at mag-tap doon.

Puwedeng mag-iba ang mga hakbang depende sa modelo ng iyong device.

Paano bawasan ang paggamit ng data

Puwedeng makatulong sa iyo ang mga sumusunod na kasanayan na makatipid ng data at mas mapatagal ang iyong eSIM.

  • I-off ang data kapag hindi mo ginagamit ang iyong device. I-on lang ang cellular data kapag kailangan mong mag-online. Kapag in-off ito sa ibang pagkakataon, mahahadlangan ang hindi kinakailangang paggamit ng data sa background.
  • Iwasan ang hotspotting. Kapag nagbabahagi ng data sa pamamagitan ng hotspot, nakokonsumo ang iyong mobile data plan. Kung ibinahagi mo ang iyong koneksyon, posibleng ito ang dahilan sa malakas na paggamit ng data.
  • Limitahan ang mga aktibidad na data-heavy. Puwedeng maubos agad ang iyong plan sa pag-stream ng mga video, pag-cast ng mga presentation, pag-print ng mga dokumento gamit ang mobile data. Gamitin ang mga Wi-Fi network para sa mga aktibidad na ito kapag posible.
  • Gumamit ng browser na may data compression. Puwedeng i-comprress ng mga browser na tulad ng Google Chrome at Opera Mini ang content bago ipadala sa telepono mo, na nagbabawas sa pagkonsumo ng data ng hanggang 50% at 90%, nang naaayon.
  • I-download ang content para magamit offline. Para sa mga app na tulad ng Google Maps, Netflix, o YouTube, gamitin ang opsyon para i-download ang mga mapa, movie, o musika habang nasa Wi-Fi network. Sa ganitong paraan, puwede mong ma-access ang mga ito offline gamit nang hindi ginagamit ang iyong mobile data.
  • I-off ang pag-sync ng account. Puwedeng kumonsumo ng data nang hindi kinakailangan ang awtomatikong pag-sync para sa mga app na tulad ng Google o Facebook. I-off ang feature na ito para sa mga app na hindi mo kailangang palaging mag-sync.

Paano bawasan ang paggamit ng data sa mga device na iOS

  • I-off ang Wi-Fi Assist. Awtomatikong lumilipat sa cellular data ang feature na ito kapag mahina ang iyong koneksyon sa Wi-Fi. Bagaman kumbinyente, puwede itong humantong sa hindi inaasahang paggamit ng data. Para i-off ito:
    • Pumunta sa Mga Setting > Cellular (o Mobile Data).
    • Mag-scroll down at i-off ang Wi-Fi Assist.
  • I-off ang awtomatikong mga pag-update ng app. Puwedeng kumonsumo ng napakaraming data ang mga pag-update ng app at system. I-configure ang iyong device para i-download lang ang mga update sa pamamagitan ng Wi-Fi.
    • Pumunta sa Mga Setting > Mga App > App Store at i-off ang opsyong Cellular Data para sa Automatic Downloads.
  • I-adjust ang mga setting ng iCloud Drive. Kung naka-st na gumamit ang iyong iCloud Drive ng mobile data, puwede itong gumamit ng napakaraming data para mag-sync ng mga file. Para i-off ito:
    • Pumunta sa Mga Setting > Cellular (o Mobile Data).
    • Mag-scroll down at i-off opsyong iCloud Drive.
  • I-off ang Mobile Data para sa mga photo sync app. Puwedeng awtomatikong i-sync ng mga app na tulad ng iCloud Photos o Google Photos ang mga litrato at video mo, na kumokonsumo ng napakaraming data. Para i-off ang paggamit ng data para sa mga app na ito:
    • Pumunta sa Mga Setting > Mga App.
    • Mag-tap sa icon ng gustong app (hal., iCloud o Photos).
    • I-off ang opsyong Mobile Data para sa app na iyon.

Paano babawasan ang paggamit ng data sa mga Android device

  • I-off paggamit ng data sa background. Maraming app ang patuloy na gumagamit ng data sa background para magpdala ng mga notification, kumuha ng mga update, o mag-synch ng impormasyon. Kapag na-disable ito, puwedeng makatipid ng napakaraming data.
  • I-off ang awtomatikong mga pag-update ng app. Kagaya ng iOS, kumokonsumo ng napakaraming data ang mga awtomatikong update ng app sa pamamagitan ng mobile data.
    • Buksan ang Google Play Store.
    • Pumunta sa Mga Setting > Mga kagustuhan sa network > I-auto-update ang mga app.
    • Piliin ang Sa Wi-Fi lang.
  • Mag-set ng limit sa paggamit ng data. Pinapahintulutan ka ng Android na mag-set ng limit sa data. Kapag umabot na sa limit na ito ang paggamit mo, awtomatikong io-off ang mobile data, na pumipigil sa higit pang mga pagsingil.
    • Sa Mga setting > Paggamit ng data, puwede kang mag-confirgure ng data warning at mag-set ng limit ng data.

Sana ay makatulong ang mga tip na ito para ma-manage mo nang mas mabuti ang iyong paggamit ng data. Kung kailangan mo pa ng anumang tulong, handang tumulong sa iyo ang aming support team. Available kami 24/7 at masayang tumulong.