Sa ilang situwasyon, posibleng gusto mong maglipat ng eSIM sa isang bagong device — sa kasamaang-palad, puwede lang i-install sa isang device ang mga eSIM na binili sa Airalo.
Puwede ko bang i-install ang aking eSIM mula sa kasalukuyang device papunta sa bago?
Hindi. Puwede lang i-install ang eSIM ng Airalo sa isang device. Kapag na-install na ito, hindi na ito puwedeng ilipat sa ibang device.
Hindi kagaya ng tradisyunal na mga SIM card na puwede mong aktwal na ilipat at ilagay sa ibang telepono, digital na naka-embed ang eSIM at naka-lock sa unang device kung saan ito na-activate.
May natitira pa akong data sa aking eSIM. Paano ko ito magagamit?
Puwede mong patuloy na gamitin ang data sa iyong lumang device. Kung gusto mong ikonekta ang iyong bagong device, puwede mong ibahagi ang data sa pamamagitan ng pag-enable sa isang personal hotspot mula sa luma mo ng device.
Sira o hindi nagagamit ang luma kong device. Ano'ng magagawa ko?
Sa kasamaang-palad, hindi puwedeng i-recover o ilipat ang eSIM at anumang natitirang data kung hindi na magagamit ang lumang device. Sa ganitong situwasyon, ang pinakamagandang opsyon ay ang pagbili at pag-install ng bagong eSIM sa iyong bagong device.
Kung kailangan mo pa ng tulong o may mga tanong tungkol sa iyong eSIM, huwag magdalawang-isip na kontakin kami. Narito kami para tumulong!

