Tingnan ang mga nauugnay na artikulo
Pupunta sa page ng kategorya na may nauugnay na mga artikulo sa tulong.
Puwede ko bang i-install ang eSIM sa isang device nang maraming beses?
Puwede mo lang i-install ang iyong eSIM sa isang device — hindi ito puwedeng ilipat sa isa pang device pagkatapos ma-install.
Kung ide-delete mo ang eSIM mula sa isang device, posibleng hindi ito puwedeng i-reinstall.
Sa ilang situwasyon, puwede kang mag-reinstall ng eSIM sa parehong device.
Sa mga iOS device, magkaka-error ka sa iyong device kung lumampas ka sa bilang ng mga pag-install para sa parehong eSIM — makikita mo ang ”Mobile Plan Cannot be Added,” “The code is no longer valid,” o katulad na mensahe.
Kung nagkakaisyu ka sa pag-install ng eSIM, kontakin ang aming support team — available kami 24/7 at palaging masayang tumulong.

