Mga Tuntunin at Kundisyon

PANGKALAHATANG MGA TUNTUNIN AT KUNDISYON

1. VALIDITY NG PANGKALAHATANG MGA TUNTUNIN AT KUNDISYON

Ipapatupad ang mga sumusunod na tuntunin at kundisyon sa lahat ng serbisyong ibinibigay ng AIRGSM PTE. LTD., tinutukoy bilang Airalo, may kinalaman sa pagbebenta ng prepaid eSIM.

Ibinibigay ang mga sumusunod na tuntunin at kundisyon sa website na www.airalo.com. Posibleng tumanggap lang ang Airalo ng mga variant clause sa situwasyon ng hayagang nakasulat na kasunduan.

2. DESKRIPSYON NG MGA SERBISYO

2.1. eSIM RESELLING

Nagre-resell ng mga prepaid eSIM ang Airalo. Nire-register at binibili ng customer ang mga eSIM sa www.airalo.com website at/o Airalo App. Pinapatakbo ng PAYPAL (https://paypal.com) at Stripe (https://stripe.com) ang mga pagbabayad sa amin gamit ang isang alias ng credit card mo (virtual Credit Card Imprint).

2.2. PAG-REGISTER PARA SA PAGGAMIT NG MGA SERBISYO NG AIRALO

Dapat tanggapin ng customer ang mga pangkalahatang tuntunin at kundisyon para gamitin ang mga serbisyo ng AIRALO. Direktang ibinibigay ng kliyente, o sa pamamagitan ng intermediary ng service provider (Hotel, Travel Agency…), sa web browser sa www.airalo.com ang sumusunod na impormasyon: Pangalan Apelyido Address (billing address) Email address

2.3. MGA PAKIKIPAG-UGNAYAN NG AIRALO

Makatuwirang pagsisikapan ng AIRALo na magbigay sa Customer ng de-kalidad na serbisyo. Gayunpaman, hindi ginagarantiyahan ng AIRALO na hindi mapuputol ang serbisyo, maibibigay sa tamang oras, ligtas o walang problema.

2.4. MGA PAKIKIPAG-UGNAYAN NG CUSTOMER

Sa paggamit sa Equipment o Mga Serbisyong ibinibigay ng AIRALO, hindi dapat gawin ng Customer ang anumang aksyong: mapang-abuso, iligal, o mapanloko; na magsasanhi sa Network na ma-impaire o masira; Kapag nilabag ng Customer ang mga obligasyon nito sa ilalim ng Sec. 2.4, posibleng suspindehin ng AIRALO ang paggamit ng Customer sa Serbisyo. Ino-notify ng AIRALO ang Customer sa pagsususpinde kaagad-agad hangga't maaari. Habang nasa panahon ng suspensyon, patuloy na babayaran ng Customer ang lahat ng Singiling nakatakda sa ilalim ng Kasunduang ito may kaugnayan sa mga nasuspindeng Serbisyo.

2.5. COMPATIBILITY NG DEVICE

Pananagutan ng customer na tiyakin na eSIM compatible ang device at network-unlocked. Sa paglalagay ng check sa "May eSIM compatible at network-unlocked device ako" para sa pagpapatuloy sa pagbili, ibinibigay sa customer ang pananagutan para sa impormasyong ito. Dahil nakadepende ang compatibility ng device sa carrier at bansang pinagmulan, dapat tingnan ng customer ang listahan ng mga device na eSIM compatible na ibinibigay sa checkout. Hindi kumpleto ang listahan ng compatibility ng eSIM, na nangangahulugang posibleng may bagong inanunsyong mga device na compatible sa eSIM na hindi pa naidadagdag.

3. SIMULA, TAGAL, AT PAGWAWAKAS NG KONTRATA

Magsisimula ang service contract sa pagitan ng AIRALO at customer sa pagkumpleto ng order sa website https://www.airalo.com ng AIRALO o sa pamamagitan ng app. Pananagutan ng Customer ang Pag-activate sa eSIM at pagkilala sa Patakaran ng Pag-activate. Wawakasan ang kontrata kung sakaling walang aktibong data package ang customer o na-delete ang eSIM sa device.

4. MGA SINGILIN AT PAGBABAYAD

4.1. MGA KUNDISYON SA PAGBABAYAD

Ginagawa ang pagbabayad sa mga serbisyo ng AIRALO sa pamamagitan ng Credit Card, PAYPAL, Google Pay, at Apple Pay. US Dollars($) ang currency na ginagamit sa pagbabayad. Ipoproseso ang transakyon sa credit card at ise-secure ng mga provider ng AIRALO, ang PAYPAL (https://paypal.com) at Stripe (https://stripe.com).

4.2. MGA SINGILIN SA PAGGAMIT

4.2.1. Binabanggit ng AIRALO na ang lahat ng Singilin ay may kasamang VAT, malibang partikular na sinabing wala.

4.2.2. Hindi bibigyan ng karapatan ang customer na magtakda ng anumang mga claim laban sa mga claim ng AIRALO, maliban kung hindi maikakaila ang mga claim ng customer o nakumpirma ng final na paghatol ng korte.

5. DELIVERY

Kaagad na makikita ng customer ang biniling eSIM sa tab na "Aking mga eSIM" sa website at/o sa app. Tatanggap ng confirmation email ang customer pagkatapos ng pagbili. Magiging available lang ang lahat ng impormasyhon sa pag-install sa eSIM sa Airalo account ng user.

6. PATAKARAN SA REFUND / PAGKANSELA / PAGBABAGO

May karapatan ang customer na humingi ng refund o pagbabago kung hindi mai-install at magamit ang eSIM dahil sa technical problem na mula sa AIRALO.

6.1. MGA REFUND AT PAGKANSELA

6.1.1. MGA PATAKARAN AT TAGUBILIN

6.1.2. Puwedeng gumawa ng kahilingan sa pag-refund sa loob ng (3) araw simula sa petsa ng pagbili kapag hindi na posible ang pag-activate pagkatapos ng masusing pag-troubleshoot.

6.1.3. Kung ginagamit na ang eSIM at nagkaroon ng isyu na mula sa Airalo na hindi maayos sa tamang panahon, puwedeng magbigay ng refund para sa natitirang data.

6.1.4. Napakahalaga ng pakikipagtulungan ng customer para maayos ang isyu dahil kung hindi, posibleng hindi maibigay ang refund.

6.1.5. May kani-kaniyang panahon ng validity ang bawat data package. Walang refund sa anumang anyo ang iaalok para sa natitirang data kapag nag-expire na ang panahon ng validity.

6.1.6. Bayad: Walang refund o pagbabayad sa anumang uri ang ibibigay dahil sa mga singiling mula sa mga kahaliling telepono, kahaliling SIM card, telepono ng hotel, o iba pang mga singilin na hindi direktang naka-link sa Airalo eSIM account ng customer. (Tingnan ang seksyon 7. PANANAGUTAN AT WARRANTY sa aming Mga Tuntunin at Kundisyon)

6.1.7. Mga mapanlokong pagbili: May karapatan ang Airalo na tanggihan ang anumang anyo ng refund kung may ebidensya ng pag-abuso, paglabag sa aming mga tuntunin at kundisyon, o anumang mapandayang mga aktibidad na konektado sa paggami ng mga produkto at serbisyo ng Airalo.

6.1.7.1.Mga hindi awtorisadong pagbili: Sasailalim sa imbestigasyon at pag-apruba ang kaso bago magproseso ng anumang refund. May karapatan ang Airalo na suspindehin ang anumang account na nauugnay sa anumang anyo ng aktibidad ng panloloko.

6.1.8. Mga di-sinasadyang pagbili: Kapag na-install na ng mga customer ang eSIM, isasaalang-alang itong gamit na. Walang refund sa anumang anyo ang iaalok.

6.1.9. Mga maling pagsingil: Kung makatuwiran at may tamang motibo ang customer sa pagkuwestiyon sa isang invoice o bahagi nito, ino-notify ng Customer ang Airalo ng gayong pagkuwestiyon sa loo bng 12 araw simula sa pagtanggap ng invoice, na nagbibigay ng mga detalye kung bakit mali ang halaga na sinisingil at, kung posible, kung magkano ang ipinagpapalagay ng customer na dapat bayaran. (Tingnan ang mga detalye sa seksyon 4.2 MGA SISINGILIN PARA SA PAGGAMIT sa Mga Tuntunin at Kundisyon)

6.1.10. Mga Kapalit: Puwede lang palitan sa loob ng 30 araw mula sa petsa ng pagbili ang mga eSIM na nabili nang eksklusibong may kasamang Airmoney na nakuha sa mga voucher.

6.1.11. Iba pang Mga Dahilan: Kung wala sa nasa itaas ang kahilingan sa pag-refund, iimbestigahan namin ang kahilingan sa case-by-case basis. Kung maaprubahan ang refund, posibleng may babayarang processing fee. Dapat na katumbas o mas mababa sa kabuuang halagang binayaran nila ang maximum na refund o credit na puwedeng i-apply ng customer.

6.1.12. GAMIT NG AIRMONEY

6.1.12.1. Isang credit reward system ang Airmoney na ginawa para sa Airalo. 6.1.12.2. Puwedeng gamitin ng mga customer ang Airmoney kapag bumibili ng mga eSIM o bilang pagbabayad kasama ang isang credit card at Paypal. 6.1.12.3. Palaging ike-credit sa Airalo account ng user bilang Airmoney ang anumang mga pagbiling ginawa gamit ang Airmoney.

6.1.12.4. Hindi nako-convert sa anumang ibang anyo ng credit ang anumang kasalukuyang Airmoney sa iyong account.

6.1.12.5 Hindi naililipat sa anumang ibang Airalo account ang anumang kasalukuyang Airmoney sa iyong account.

6.1.113. PROSESO NG REFUND

Para humiling ng refund, kontakin ang support team ng Airalo sa pamamagita ng page na Kontakin Kami o magpadala ng mensahe sa support@airalo.com. Malaman na ipapatupad ang patakaran namin sa refund sa itaas. Depende sa uri ng isyu, hihingin sa mga customer ang karagdagang impormasyon para suportahan ang kanilang kahilingan sa refund tulad ng mga screenshot ng mga setting ng device para sa mga technical issue o mga detalye kung bakit mali ang halagang sinisingil, at kung posible, magkano ang babayaran sa palagay ng customer, atbp. Sumangguni sa seksyon 6.1.2 sa dokumento ring ito para sa mga refund na nauugnay sa mga technical issue. May opsyon ang mga customer na i-credit sa kanilang orihinal na paraan ng pagbabayad (credit card o Paypal) o bilang Airmoney na ipinadala sa mga account nila (Tingnan ang 6.1.11 para sa mga pagbili gamit ang Airmoney) Refund sa orihinal na paraan: Kapag naaprubahan na ang refund at naipadala, puwede itong umabot nang hanggang 5-10 araw ng negosyo para makita sa statement depende sa bangko Airmoney credit: Ike-credit ang Airmoney kaagad-agad sa kanilang mga account.

6.2. PAGBABAGO

Iniaalok ang eSIM na mga data package mula sa Airalo nang as-is at walang karagdagang mga pagbabago o pag-customize ang puwedeng gawin batay sa mga indibidwal na kahilingan kapag nabili na.

7. PANANAGUTAN AT WARRANTY

Walang pananagutan ang AIRALO para sa mga pinsalang nagreresulta sa pagiging hindi available o palaging hindi available ng iminungkahing serbisyo. Walang garantiyang ibinibigay ang AIRALO sa tuluy-tuloy na availability ng network service. Para sa anumang mga kahilingan, mag-email sa support@airalo.com.


Handa ka na bang subukan ang eSIMs at mabago ang paraan kung paano ka nananatiling nakakonekta?

I-download ang Airalo app para bumili, mag-manage, at mag-load sa iyong eSIMs anumang oras, saanman!

Gamitin Ang Iyong Libreng Credit.

Puwede kang kumita ng US$3 Airmoney credit sa pamamagitan ng pagbabahagi ng referral code mo sa mga kaibigan.

Aking mga eSIM
Profile