Mga Partner sa Pamamahagi

Ang kahulugan ng pagiging Distribution Partner ng Airalo:

Nangangahulugan ang pagiging Distribution Partner ng Airalo na ire-resell mo ang aming mga eSIM sa iyong mga kasalukuyang customer. Bilang retailer, maliit na negosyo, o sole proprietorship sa telecommunications, travel, o tech space, angkop ka para sa partnership program na ito.

Dahil diyan, kung medyo iba ang iyong business model, ikagagalak naming maka-chat ka at tingnan kung may pagkakataong ayusin ang ating partnership.

Buod

Posibleng angkop ka sa amin bilang Distribution Partner kung ikaw ay:

- Provider ng connectivity, retail outlet, o nagseserbisyo sa isang network ng mga biyahero at negosyo na bumibili ng mga connectivity solution tulad ng mga travel SIM card, eSIM, nagpapa-load sa iyo

- Isang travel agent na gustong mag-bundle ng eSIM sa isang holiday package para sa mga customer mo, o bigyan ang mga ito ng opsyon na bumili sa iyo

Bakit kailangang maging Distribution Partner ng Airalo?

- Sa pamamagitan ng pagdaragdag sa Airalo sa iyong portfolio, magagawa mong ialok ang pinakamahuhusay na eSIM solution sa mga customer mo mula sa pinakamalaking kumpanya ng eSIM sa mundo

- Seamless na bumili ng mga eSIM at load para sa mga customer mo, o mag-load sa Airmoney (in-app reward currency ng Airaklo) sa iyong account

- Isang 24/7 na Support team at pre-built na mga brand asset na magagamit mo

Naghahanap ng mas custom pa?

Kung may iba kang hinahanap na opsyon sa partnership, o kung gusto mo lang ng linaw sa isang kasalukuyang opsyon sa partnership, kontakin kami sa partnerships@airalo.com at makikipag-ugnayan kami.

Aking mga eSIM
Profile