Kailan ko dapat bilhin ang aking eSIM?

Puwede mong bilhin nang maaga ang iyong package hangga't gusto mo — hindi magsisimula ang panahon ng validity hanggang sa ma-install ang eSIM mo o makakonekta sa isang network.

Sa katunayan, inirerekomenda namin ang pagbili ng iyong eSIM nang maaga hangga't posible. 

Bakit ko dapat bilhin ang aking eSIM nang maaga?

Kapag binili mo ang iyong eSIM nang maaga, puwede kang magplano kapag i-install mo ang iyong eSIM. 

Kailangan ng stable na koneksyon sa internet ang pag-install ng eSIM — puwedeng maging mahirap ang paghanap ng stable na koneksyon sa internet kapag bumibyahe ka na.

Karagdagan pa, puwedeng makatulong ang pagbili at pag-install ng iyong eSIM nang maaga para maiwasan ang potensyal na mga roaming charge mula sa pangunahin mong provider kapag nasa ibang bansa ka.

Kailan ako dapat maghintay para bilhin ang aking eSIM?

Posibleng kailangan mong maghintay para bumili ng eSIM kung may patakaran ito sa recycling. 

Kailangan ng ilang provider ng eSIM na ginagamit ang mga eSIM sa partikular na mga yugto ng panahon pagkaraan ng pagbili — nangangahulugan itong aktibong nakakonekta sa isang network, hindi lang naka-install sa isang device.

Kung hindi gagamitin ang isang eSIM sa yugto ng panahon, ire-recycle iyon — nangangahulugan ito na hindi na ito magagamit pa ng taong bumili nito.

Bago ka bumili, puwede mong tingnan ang karagdagang impormasyon para makita kung may patakaran sa recycling ang isang eSIM.

Kung may mga tanong ka pa, puwede mong kontakin ang aming support team — avilable kami nang 24/7 at palaging masayang tumulong.

 

Mga nauugnay na tanong

Iba pang mga paksa

Copyright Airalo © 2021
  • x