Kailan ko puwedeng gamitin ang aking eSIM?

Para malaman kung kailan mo puwedeng i-install ang iyong eSIm, dapat na alam mo ang patakaran sa activation. Ang karamihan sa mga eSIM ay […]

Kung wala ka pa sa coverage area, kailangan mong maghintay para magamit ang eSIM mo. Puwede mo pa ring i-install ang iyong eSIM kaagad-agad pagkatapos ng pagbili, sa karamihan ng situwasyon.

Kapag handa ka nang gamitin ang eSIM mo, siguraduhing naka-on ito at pinili para sa data — sa ganitong paraan, puwede itong kumonekta sa isang network sa coverage area.

Saan gumagana ang aking eSIM?

Gagana lang ang eSIM mo sa coverage area nito — halimbawa, gagana lang ang eSIM para sa France sa France lang.

Kung ii-install mo ang eSIM bago ka dumating sa coverage area nito, hindi mo ito magagamit — kahit pa sinundan mo ang mga hakbang para kumonekta sa isang network.

Kailan ko puwedeng i-install ang aking eSIM?

Hangga't maaga, kung posible, kapag may stable ka nang koneksyon sa internet. Bago mo i-install, tiyaking nabasa mo ang patakaran sa validity ng package — nagsisimula ang ilang plan kapag na-install mo na ang iyong eSIM (kahit pa nasa labas ka ng coverage area).

Ano ang patakaran sa validity ng eSIM?

Sinasabi ng patakaran sa validity kung kailan magsisimula ang validity period ng package ng eSIM — makikita mo ito sa mga detalye ng package o pagkatapos mong bumili ng eSIM.

Sa karamihan ng situwasyon, nagsisimula ang validity period kapag kumonekta ang eSIM sa isang sinusuportahang network sa coverage area nito. Nangangahulugan ito na kung ii-install mo ang eSIM sa labas ng coverage area nito, magsisimula ang validity period kapag dumating ka na.

Sa ilang situwasyon, nagsisimula ang validity period kapag na-install na ang eSIM sa isang device. Nangangahulugan ito na kung ii-install mo ang eSIM sa labas ng coverage area nito, magsisimula ang validity period bago mo puwedeng gamitin ang eSIM.

Ano ang validity period?

Ang validity period ay ang haba ng oras na ibinigay sa iyong eSIM package. Kung bumili ka ng eSIM na may 1 GB ng data para sa 7 araw, 7 araw ang validity period.

Tandaan, ibinigay ang dami ng data para sa kabuuang validity period — hindi bawat araw.

Kung may mga tanong ka pa, huwag magdalawang-isip na kontakin kami — available ang aming support team nang 24/7 at palaging masayang tumulong.

 

Mga nauugnay na tanong

Iba pang mga paksa

Copyright Airalo © 2021
  • x