Kailan ko puwedeng i-install ang aking eSIM?

Para malaman kung kailan mo puwedeng i-install ang iyong eSIm, dapat na alam mo ang patakaran sa activation.

Ang karamihan sa mga eSIM ay maa-activate lang sa destinasyon kapag kumonekta na sila sa isang sinusuportahang network o alinman sa mga sinusuportahang network.

Sa kabilang banda, may mga eSIM na kaagad na maa-activate kapag na-install na ang mga ito, saanman ang lokasyon.

Paano ko malalaman kung kailang mag-a-activate ang eSIM ko?

Dapat mong tingnan ang patakaran sa activation ng iyong eSIM.

Bago bumili:

  • Hanapin ang bansa na gusto mong bilhan ng eSIM
  • Piliin ang eSIM na gusto mo
  • Tingnan ang Karagdagang Impormasyon
  • I-tap ang “Magpakita pa” para mahanap ang Patakaran sa Activation

Pagkatapos bumili:

  • Pumunta sa Aking Mga eSIM> Mga Detalye> Magpakita pa> Patakaran sa Activation

Ang patakaran sa activation ay ang alinman sa mga sumusunod

  • “Magsisimula ang validity period kapag kumonekta ang eSIM sa anumang sinusuportahang (mga) network”: Nangangahulugan ito na puwede mong i-install ang eSIm bago magbiyahe nang hindi ito ina-activate. Kapag dumating ka na sa destinasyon, puwede kang kumonekta sa pamamagitan ng pag-on sa iyong eSIM line hangga’t nakumpleto ang pag-setup gaya ng ipinayo sa iyong page ng pag-install ng eSIM.
  • “Magsisimula ang validity period sa pag-install”: Nangangahulugan ito na maa-activate kaagad-agad ang eSIM mo kapag na-install na, kaya naman, magsisimulang tumakbo ang validity period kahit wala ka pa sa iyong destinasyon.

Kung may mga tanong ka, huwag mag-atubiling kontakin ang support

Mga nauugnay na tanong

Iba pang mga paksa

Kailangan pa rin ng tulong?

Kontakin kami at agad kang sasagutin ng aming customer support team.
Padalhan kami ng mensahe
Copyright Airalo © 2024