Paano ko ia-activate ang eSIM sa isang iPhone o iPad sa Turkey?
Paano ko ia-activate ang eSIM sa isang iPhone o iPad sa Turkey?
Ini-report na naka-disable ang eSIM bilang default sa ilang iPhone at iPad na binili sa Turkey.
Kung binili mo at na-activate ang iyong device pagkatapos ng Hunyo 23, 2020, ia-activate ang iyong eSIM pagkatapos ng setup, at hindi mo kailangang sundan ang mga tagubiling ito. Kung hindi na-enable ang eSIM mo, kontakin ang mobile carrier mo.
Tutulungan ka ng mga tagubilin sa ibaba na i-activate ang iyong eSIM para sa mga device na binili bago ang Hunyo 23, 2020. Dapat mong i-reset ang iyong device para kumpletuhin ang sumusunod na paraan, kaya naman mag-backup bago magpatuloy.
- I-back up ang iyong device. Pagkatapos ay siguruhing updated ito sa pinakabagong iOS o iPadOS.
- Pindutin ang Mga Setting > General > Ilipat o I-reset
- Pindutin ang Burahin ang Lahat ng Content at Setting.
- Kapag tinanong, ilagay ang iyong passcode o Apple ID password. Pagkatapos ay kumpirmahin mong gusto mong burahin ang iyong device.
- Pagkatapos ng pagbura, i-restore ang iyong iPhone o iPad sa iyong backup.
Kapag tapos na, puwede ka na ngayong mag-set up ng eSIM sa iyong iPhone o iPad.
Karagdagan pa, pakitandaan na ayons a lokal na batas ng Turkey, para magamit ang mga roaming data service sa loob ng 91 araw (pinagsama-sama) o higit pa sa bawat 120 araw, dapat i-register ang IMEI ng device sa Central Equipment Identity Register of Turkey. Pinapayuhan ka namin na kontakin ang CEIR para sa higit pang impormasyon.
Kung may mga tanong ka, huwag magdalawang-isip na kontakin ang aming mga support channel.
Pinagmulan: https://support.apple.com/en-us/HT211023
Mga nauugnay na tanong
- Paano ko titingnan kung sinusuportahan ng iOS device ko ang eSIM?
- Ano ang gagawin ko kung maubusan ng stock ng eSIM?
- Paano ko titingnan kung sinusuportahan ng Android device ko ang eSIM?
- Kailan mag-e-expire ang data package ng aking eSIM?
- Kailan ko dapat i-verify ang aking pagkakakilanlan?
- Kailan ko puwedeng i-install ang aking eSIM?
- Anong mga paraan ng pagbabayad ang tinatanggap ninyo?
- Paano titingnan kung compatible sa eSIM at naka-unlock ang carrier ng iOS device ko?
- Paano titingnan kung sinusuportahan ng Android device ko ang eSIM?
- Paano ako magsa-sign up para sa isang Airalo account?
- Paano ako mag-i-install at magse-setup ng eSIM sa aking Android device?
- Paano ko babaguhin ang aking mga setting ng APN?
- Paano ko ii-install at ise-setup ang aking eSIM sa Pixel device ko?
- Paano ko mase-save ang mga tagubilin ng aking eSIM para magamit sa ibang pagkakataon?
- Paano ko ii-install at ise-setup ang aking eSIM sa Google Pixel 6 o 6 Pro device ko?
- Paano ako mag-i-install at magse-setup ng eSIM sa aking iOS device?
- Paano ako mag-i-install ng eSIM sa Samsung Galaxy S20/S21 series device?
- Paano ko ii-install ang aking eSIM sa pamamagitan ng Direct Installation sa iOS Device ko?
- Paano ako makakakuha ng eSIM?
- May eSIM ba para sa gusto kong bansa?