Paano ko ii-install at ise-setup ang aking eSIM sa Google Pixel 6 o 6 Pro device ko?

Una sa lahat, kailangan mong tingnan ang mga sumusunod na item para masiguro na magagawa mong i-install at i-set up ang iyong eSIM:

May dalawang paraan para magdagdag ng eSIM sa iyong device:

  1. I-scan ang QR-Code mula sa tab na “QR-code” sa iyong page ng Aking Mga eSIM. Pakitandaan na sa paraang ito, kakailanganin mong ipakita ang QR-code gamit ang isa pang device o i-print ito.
  2. Manual na idagdag ang mga detalye ng pag-install mula sa tab na “Manual” sa parehong page.

Pinakamaganda ang paraan ng QR code kung maipi-print mo ang code, O kung may iba kang mga device na puwede mong magamit para ipakita ito. Kung hindi, puwede mong piliin ang manual na paraan.

Pagkatapos ng pag-install, puwede mong i-set up ang iyong eSIM sa pamamagitan ng mga hakbang na ito.

II-install ang eSIM

QR-CODE NA PARAAN

PAGHAHANDA

  1. Mag-log in sa iyong account ng Airalo.
  2. Pumunta sa Aking Mga eSIM.
  3. Sa ilalim ng tab na Mga Kasalukuyang eSIM, hanapin ang eSIM na gusto mong i-install.
  4. I-click/Pindutin ang button naMga Detalye.
  5. Hanapin ang iyong mga detalye ng pag-install:
    • Kung ginagamit ang website ng Airalo: i-click ang button naAndroid Device
    • Kung gamit ang iyong Pixel Device: pindutin ang button na Mag-install ng eSIM / I-access ang Data
  6.  Ipinapakita nang default ang tab na QR Code.
    • Pindutin ang button na IBAHAGI para ipakita ang QR sa isa pang device o i-print ito.
    • Kung nag-log in ka gamit ang isa pang device, panatilihing nakabukas ang display na ito.
  7. Huwag isara ang Airalo app o ang browser gamit ang iyong Airalo account habang ini-install at sine-set up ang iyong eSIM. Iwan itong tumatakbo sa background.

PAG-INSTALL

Para mag-set up ng eSIM sa iyong Pixel 6/6 PRO device:

  1. Sa Mga Setting ng iyong device, pumunta sa Network at Internet.
  2. Hanapin ang Mga SIM at pindutin ang button na “+” magdagdag sa tabi nito.
  3. Pindutin ang Mag-download na lang ng SIM?

  4. Ipapakita nito ang page para i-download ang iyong eSIM. Pindutin ang button na Susunod. Titingnan ng device ang impormasyon ng network.
  5. Ipakita ang QR-code mula sa ibang device o gamitin ang naka-print na code, pagkatapos ay i-scan ito gamit ang screen sa ibaba mula sa iyong Pixel device.
    Siguraduhing nasa loob ng kahon ang mga bahagi ng QR-code para maiwasan ang partial na pag-download nito.
  6. Kapag na-scan na ang code, magsisimula ulit ang device sa pagtingin sa impormasyon ng network.
  7. Kumpirmahin kung ito ang eSIm na idadagdag mo sa pamamagitan ng pagpindot sa button na I-download.
    Pakitandaan na dahil gumagamit kami ng iba’t ibang provider, posibleng makakita ka ng ibang pangalan bukod pa sa Airalo.
  8. Kapag nakapag-download at install ka na, makikita mo ang page na Tapos na Ang Pag-download.

Kapag handa ka nang bumiyahe o nasa destinasyong bansa, pindutin ang Mga Settingpara mai-set up mo ang iyong eSIM na ma-access ang mobile data.  Kung hindi, puwede mong Isara na lang ang screen sa itaas at ang iyong Airalo App.

MANUAL NA PARAAN

PAGHAHANDA

  1. Mag-log in sa iyong account ng Airalo.
  2. Pumunta sa Aking Mga eSIM.
  3. Sa ilalim ng tab na Mga Kasalukuyang eSIM, hanapin ang eSIM na gusto mong i-install.
  4. I-click/Pindutin ang button na Mga Detalye.
  5. Hanapin ang iyong mga detalye ng pag-install:
    • Kung ginagamit ang website ng Airalo: i-click ang button na Android Device
    • Kung ginagamit ang iyong Pixel Device: pindutin ang button na Mag-install ng eSIM / Mag-access ng Data
  6.  Ipinapakita ng default ang tab ng QR Code. Piliin ang tab na Manual para gamitin ang paraan na ito.
  7.  Kopyahin ang SM-DP+ Address at Activation Code gamit ang icon na kopyahin.
  8. Huwag isara ang Airalo app o ang browser gamit ang iyong Airalo account habang ini-install at sine-set up ang iyong eSIM. Iwan itong tumatakbo sa background.

PAG-INSTALL

Para mag-set up ng eSIM sa iyong Pixel 6/6 PRO device:

  1. Sa Mga Setting ng iyong device, pumunta sa Network at Internet.
  2. Hanapin ang Mga SIM at pindutin ang “+” button na magdagdag sa kabila nito.
  3. Pindutin ang Mag-download ng SIM na lang? 
  4. Ipapakita nito sa iyo ang page para i-download ang eSIM mo. Pindutin ang button na Susunod.
    Titingnan ng device ang impormasyon ng network.
  5. Para sa Manual na paraan: pindutin ang Kailangan ng Tulong?

  6. Pindutin ang link na Ilagay ito nang manual.

  7. I-paste ang nakopyang SM-DP+ Address at Activation Code sa ibinigay na space.

  8. Pindutin ang button na Magpatuloy kapag tapos na.

  9. Kapag na-scan o naidagdag na ang code nang manual, sisimulan ulit ng device na tingnan ang impormasyon ng network.
  10. Kumpirmahin kung ito ang eSIM na idadagdag mo sa pamamagitan ng pagpindot sa button I-download.
    Pakitandaan na dahil gumagamit kami ng iba’t ibang provider, posibleng makakita ka ng ibang pangalan bukod pa sa Airalo.

  11. Kapag nakapag-download at install ka na, makikita mo ang page na Tapos na Ang Pag-download.

Kapag handa ka nang bumiyahe o nasa destinasyong bansa, pindutin ang Mga Setting para mai-set up mo ang iyong eSIM na ma-access ang mobile dataKung hindi, puwede mo lang Isara ang screen sa itaas at ang iyong Airalo App.

IIPag-access ng Data

PAGHAHANDA

  1. Bumalik sa iyong Airalo App o Airalo Account. Kung isinara mo na ito, siguraduhing naka-log in ka ulit.
  2. Mag-scroll down hanggang makita mo angHakbang 2/2 – Pag-access ng Data.
  3. Makikita mo dapat ang:
    1. Ano ang mga sinusuportahang network para sa eSIM na ito
    2. Sa ilalim ng APN:
      • Kung mababasa rito ang “Awtomatikong naka-set ang APN,” hindi na kailangang i-set up ito dahil ginawa na ito para sa iyo.
      • Kung hindi, kakailanganin mong i-set ang APN (Access Point Name) na ito nang manual. Pindutin ang icon na kopyahin.
    3. Sa ilalim ng DATA ROAMING, tingnan kung NAKA-ON o NAKA-OFF ito.

MAG-SET UP PARA I-ACCESS ANG DATA

  1. Mag-navigate sa page na Mga SIM. Pumunta sa Mga Setting >> Network at Internet >> Mga SIM ng iyong device.
  2. Piliin ang kai-install mo pa lang na eSIM sa pamamagitan ng pag-tap dito.
  3. Pindutin ang icon na lapis sa itaas para wastong malagyan ng label ang eSIM.
    1. Gamitin ang format na ito: Airalo – Pangalan ng Bansa (o pangalan ng regional/global eSIM). 
      • Halimbawa, may Lokal na mga eSIM ka para sa Macedonia:Airalo – Macedonia
      • Para sa Regional o Global na mga eSIM: Airalo – Eurolink OR Airalo – Global
    2. Pindutin ang I-SAVE.
      (Pakitandaan na ang halimbawa lang pangalan ng Sim na nasa itaas)

  4. Kapag na-save na ang label, hindi nito ia-update ang pangalan ng eSIM malibang I-ON mo ito. I-toggle ang slider saGamitin ang eSIM.
  5. Pindutin angOo.

  6. Piliin ang iyong bagong label na eSIM para sa data. Kung may iba kang mga eSIM na pinili dati para sa mobile data, pakihintay itong makalipat sa bago mong eSIM.
  7. I-toggle ang Mobile Data sa ON.

  8. I-set ang Data Roaming sa status na ON kung kailangan. O iwan itong naka-disable.
  9. I-set ang Access Point Name (APN) kung kailangan.
    • Kung mababasa rito ang “Awtomatikong naka-set ang APN“, hindi na kailangang i-set up ito dahil ginawa na ito para sa iyo.
    • Kung may nakikita kang icon ng kopyahin sa tabi ng salita, kailangan mong i-set ang APN (Access Point Name) na ito nang manual.
      1. Pindutin ang Mga Access Point Name

      2. I-edit ang field na Pangalan. Mag-type ng anumang salita para tukuyin ang APN na ito. Pindutin ang OK.
      3. I-edit ang field ng APN. I-paste ang naunang nakopyang setting ng APN mula sa iyong Airalo App. Pindutin ang OK.
      4. Iwang blangko ang ibang mga field. Pindutin ang I-save

      5. Ngayon, piliin ang iyong bagong idinagdag na APN. Pagkatapos ay bumalik sa naunang page para i-set ang iyong network.
  10. Piliin ang network ng iyong eSIM nang manual.
    1. Bumalik sa iyong Airalo App para malaman kung aling network ang gagamitin.
    2. I-toggle ang Awtomatikong pumili ng network sa status na NAKA-OFF para mapili mo ang network na kokonektahan.
    3. Pindutin ang suportadong network mula sa listahan.
  11. Pindutin ang button na bumalik, at handa ka na! Makakakonekta ka na dapat sa isang network at may mobile data.

Kung may mga tanong ka, huwag mag-atubiling kontakin ang support.

Mga nauugnay na tanong

Iba pang mga paksa

Kailangan pa rin ng tulong?

Kontakin kami at agad kang sasagutin ng aming customer support team.
Padalhan kami ng mensahe
Copyright Airalo © 2023