Idinadagdag ang mga pinagkakatiwalaang device sa iyong account pagkatapos mong mag-log in sa pamamagitan ng verification code — nakakatulong ang mga ito na panatilihing secure ang iyong account habang pinapadali na mag-log in sa mga device at browser na ginagamit mo nang regular.
Paano ako magdadagdag ng pinagkakatiwalaang device?
Tatanggap ka ng email na may verification code kapag may natukoy kaming pag-login mula sa isang bagong device o browser — kakailanganin mong ilagay ang code para tapusin ang pag-log in.
Kapag na-verify na, idadagdag ang device o browser sa iyong listahan ng pinagkakatiwalaang device.
Paano ko matitingnan at mama-manage ang mga pinagkakatiwalaang device?
Puwede mong i-review at i-manage ang iyong mga pinagkakatiwalaang device mula sa mga setting ng account — pumunta sa Profile > Mga Pinagkakatiwalaang Device.
Kung may makita kang device na hindi mo pinagkakatiwalaan o hindi na ginagamit, puwede mo itong alisin. Kung susubukan mo ulit na mag-log in sa device o browser na iyon, kakailanganin mong maglagay ng bagong verification code.
Ano ang kailangan kon gawin kung may makita akong kahina-hinalang aktibidad?
Kung may makita kang hindi karaniwang aktibidad sa iyong account, tulad ng hindi kilalang mga pagbili o mga pagbabago sa mga setting mo, inirerekomenda namin na i-reset mo ang iyong password kaagad-agad.
Kung kailangan mong kontakin ang support, posibleng humingi kami ng karagdagang impormasyon para tumulong na i-secure ang iyong account at mag-imbestiga pa.
Kung may mga tanong ka pa, huwag magdalawang-isip na kontakin kami — available ang aming support team nang 24/7 at palaging masayang tumulong.