Bakit ako nakatanggap ng email tungkol sa isang bagong pag-login sa account ko?

Para panatilihing secure ang Airalo account mo, ino-notify ka namin kapag may na-detect kaming bagong pag-login.

Kung tumanggap ka ng email tungkol sa bagong pag-login, posibleng nag-login ka sa iyong account mula sa isang bagong lokasyon o sa isang bagong device.

Magpapadala kami ng email na may kasamang petsa, oras, lokasyon, at device na ginamit sa pag-login — posibleng may kasama rin itong verification code na kailangan para mag-log in.

Ano'ng gagawin ko kung matanggap ko ang email na ito?

Kung nakikilala mo ang pag-login, wala kang kailangang gawing aksyon — ilagay lang ang verification code para tapusin ang pag-login, kung kinakailangan.

Kung hindi mo nakikilala ang pag-login, inirerekomenda naming i-reset ang iyong password kaagad-agad para ma-secure ang iyong account. Ila-logout ka nito sa lahat ng mga device at hahadlangan ang anumang hindi awtorisadong access.

Paano kung hindi ko mahanap ang email na may verification code ko?

Ipapadala ang verification code sa iyong email na ginamit para sa iyong Airalo account.

Kung hindi mo makita ang email, pakitingnan ang iyong folder ng spam, junk, o mga promosyon. Kung minsan, may maikling delay, kaya kailangan mong maghintay ng ilang minuto. Puwede mo ring ipadala ulit ang code mula sa login screen.

Kung hindi mo pa rin matanggap ang code, pakikontak ang aming support team.

Paano ko mase-secure ang aking Airalo account?

Puwede mong gawin ang mga sumusunod na hakbang para makatulong na ma-secure ang iyong account:

  • Gumamit ng malakas, natatanging password at i-update ito nang regular.
  • Iwasan ang mga password na madaling hulaan o naglalaman ng mga bahagi ng iyong pangalan o personal na impormasyon.
  • Siguraduhing secure ang iyong naka-link na email account gamit ang malakas na password at karagdagang mga feature ng seguridad na tulad ng two-factor authentication.
  • Tingnan ang mga pinagkakatiwalaang device na may access sa iyong Airalo account at alisin ang alinman na hindi mo nakikilala.
  • Huwag na huwag mong ibabahagi ang mga detalye ng Airalo login mo sa sinuman.

Ano ang kailangan kong gawin kung may natukoy akong ibang kahina-hinalang aktibidad sa aking account?

Kung may na-detect kang ibang kahina-hinalang aktibidad sa iyong account, tulad ng hindi alam na mga pagbili, inirerekomenda naming i-reset mo kaagad ang iyong password.

Para sa mga hindi alam na pagbili gamit ang iyong account, kontakin ang aming support team — posibleng kailanganin mong magbigay ng mga karagdagang detalye at impormasyon para mas matulungan ka pa namin.

Kung may iba ka pang mga tanong o ikinababahala, makipag-ugnayan lang sa amin anumang oras. Available kami nang 24/7 at palaging masayang makatulong.

Mga nauugnay na tanong

Iba pang mga paksa

Copyright Airalo © 2021
  • x