Ano ang dapat kong gawin kung na-stuck sa pag-activate ang eSIM sa iOS device ko?
Kung minsan, puwedeng ma-stuck ang isang eSIM sa pag-activate sa iOS device. Karaniwang nangyayari ito kapag nag-install ka ng eSIM pero hindi pa nakakarating sa iyong destinasyong bansa/rehiyon.
Hindi mo kailangang mag-alala dahil ganap na na-install ang eSIM, kahit pa nagpapakita ito ng “ina-activate” o “hindi na-activate.”. Matatapos ang proseso ng pag-activate kapag nakarating ka sa destinasyon mo at nasa coverage area ng network.
Narito ang ilang screenshot bilang reperensiya:
Tandaan, kahit manatiling naka-stuck ang eSIM sa pag-activate, magagamit mo pa rin ang ibang feature na hindi nangangailangan ng connectivity sa network.
Kapag nakarating ka na sa destinasyon mo at nasa coverage area na ng network ang device, dapat mag-activate ang eSIM mo, at puwede mo nang simulang gamitin ito.
Kung may mga tanong ka, huwag mag-atubiling kontakin ang aming support team, at matutuwa kaming tulungan ka!
Mga nauugnay na tanong
- Naka-lock sa network ang device ko
- Nararanasan ko ang error na “Hindi na valid ang code na ito”
- Nararanasan ko ang error message na ‘Hindi Magawang Kumpletuhin ang Pagbabago ng Cellular Plan”
- Nararanasan ko ang error message na ‘Hindi Puwedeng Idagdag ang Mga Cellular Plan Mula sa Carrier na Ito’
- Hindi ko ma-scan ang QR Code ko
- Hindi ako makakonekta sa aking eSIM sa iOS device ko
- Nakakaranas ako ng mabagal na network
- Nakakaranas ako ng “PDP Authentication Failure”
- Hindi ako makakonekta sa aking eSIM sa Android device ko
- Puwede ko bang gamitin ang iMessage sa eSIM ko?