Nakakaranas ako ng “PDP Authentication Failure”
Puwedeng nauugnay sa mga etting mo o eSIM data/validity ang isang PDP Authentication Failure.
Pakitingnan kung naranasan mo ang mga sumusunod na item:
- Nai-set ang APN ayon sa impormasyon mula sa iyong page ng pag-install ng eSIM kung kinakailangan (lower case lahat at sa isang salita)
- May natitira kang data sa iyong eSIM: kung sinusubukan mong kumonekta habang walang natitirang data, posibleng maranasan mo ang error na ito.
- Nakakonekta ka sa sinusuportahang network tulad ng ipinayo sa iyong page ng pag-install ng eSIM
Para mahanap ang page ng pag-install ng eSIM at ang lahat ng detalye, pumunta sa Mga eSIM ko > > Mga detalye > I-install ang eSIM at mag-scroll down sa page. Sa situwasyong ito, paki-reset ang iyong mga setting ng network.
Kung hindi makakatulong ang mga hakbang sa itaas, pakisubukang i-reset ang iyong mga setting ng network*:
- Pumunta sa Mga Setting sa iyong device
- Pumunta sa Pangkalahatan
- Pumunta sa I-reset
- Pumunta sa I-reset ang Mga Setting ng Network
- I-restart ang iyong device
*Kapag ni-reset ang mga setting ng network, mare-reset ang kasalukuyang mga network at pasword ng WiFi, mga setting ng cellular, at mga setting ng VPN at APN.
Kung magpatuloy ang problema, pakikontak kami para sa karagdagang tulong.
Kung may mga tanong ka, huwag mag-atubiling kontakin ang support
Mga nauugnay na tanong
- Ano ang dapat kong gawin kung na-stuck sa pag-activate ang eSIM sa iOS device ko?
- Naka-lock sa network ang device ko
- Nararanasan ko ang error na “Hindi na valid ang code na ito”
- Nararanasan ko ang error message na ‘Hindi Magawang Kumpletuhin ang Pagbabago ng Cellular Plan”
- Nararanasan ko ang error message na ‘Hindi Puwedeng Idagdag ang Mga Cellular Plan Mula sa Carrier na Ito’
- Hindi ko ma-scan ang QR Code ko
- Hindi ako makakonekta sa aking eSIM sa iOS device ko
- Nakakaranas ako ng mabagal na network
- Hindi ako makakonekta sa aking eSIM sa Android device ko
- Puwede ko bang gamitin ang iMessage sa eSIM ko?
Iba pang mga paksa
Kailangan pa rin ng tulong?
Kontakin kami at agad kang sasagutin ng aming customer support team.
Padalhan kami ng mensahe