Puwede ko bang gamitin ang iMessage sa eSIM ko?
Oo, puwede mong gamitin ang iMessage sa eSIM mo.
Pakitandaan na baka kailangan mong i-reset ang iMessage pagkatapos i-install ang eSIM mo. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang sa ibaba:
1. Pumunta sa Mga Setting sa iyong device
2. Pumunta sa Mga Mensahe
3. I-toggle ang iMessage sa OFF
4. I-toggle ang iMessage pabalik sa ON
5. Pindutin ang Magpadala at Tumanggap
6. I-uncheck ang numero mo at siguruhing may check ang email address mo. Sa ganitong paraan, makakapagpadala ka at makakatanggap ng mga iMessage nang may data connection lang.
Kapag hindi mo na kailangan ang eSIM mo, at gustong bumalik sa Primary SIM mo, magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang na ito:
Mga Setting > Mga Mensahe > Magpadala at Tumanggap at tingnan ulit kung tama ang numero ng telepono mo.
Puwede mo ring panoorin ang video namin sa ibaba para sa karagdagang mga detalye:
Kung may mga tanong ka, huwag mag-atubiling kontakin ang support.
Mga nauugnay na tanong
- Ano ang dapat kong gawin kung na-stuck sa pag-activate ang eSIM sa iOS device ko?
- Naka-lock sa network ang device ko
- Nararanasan ko ang error na “Hindi na valid ang code na ito”
- Nararanasan ko ang error message na ‘Hindi Magawang Kumpletuhin ang Pagbabago ng Cellular Plan”
- Nararanasan ko ang error message na ‘Hindi Puwedeng Idagdag ang Mga Cellular Plan Mula sa Carrier na Ito’
- Hindi ko ma-scan ang QR Code ko
- Hindi ako makakonekta sa aking eSIM sa iOS device ko
- Nakakaranas ako ng mabagal na network
- Nakakaranas ako ng “PDP Authentication Failure”
- Hindi ako makakonekta sa aking eSIM sa Android device ko