Hindi nililimithan ng Airalo ang access mo sa mga website o app.
Habang gumagamit ng eSIM, puwede mong ma-access ang mga app at website na karaniwan mong ginagamit. Gayunpaman, posibleng magpatupad ng limitasyon ang ilang platform na puwedeng makaapekto sa iyong access.
Narito ang ilang karaniwang dahilan kung bakit posibleng makakaranas ka ng mga limitasyon sa app at website habang ginagamit mo ang iyong eSIM:
- Mga setting ng proxy: Kung matukoy ng app o website na naka-route ang koneksyon mo sa pamamagitan ng proxy server, posibleng i-block nito ang access limitahan ang functionality.
- Mga protocol ng seguridad: Kung hindi compatible ang mga hakbang sa seguridad na ipinapatupad ng app o website sa paraan ng pag-route na ginagamit ng eSIM data, posibleng limitado ang access.
- Mga restriksyon ng provider ng lokasyon/serbisyo: Kung matukoy ng app o website na ina-access mo iyon mula sa isang lokasyon o service provider na hindi pinahihintulutan, posibleng i-block nito ang access o limitahan ang functionality.
Dahil tumatakbo ang eSIM data sa pamamagitan ng “roaming platform,” posibleng hindi naa-access ang mga partikular na app o website dahil sa mga setting sa seguridad nito. Hindi partikular ang limitasyong ito sa mga eSIM ng Airalo, pero posibleng magsanhi ito ng mga potensyal na restriksyon kapag nag-a-access ng mga partikular na platform.
Kung makaranas ka ng mga isyu sa pag-access ng partikular na app o website habang ginagamit mo ang iyong eSIM, inirerekomenda namin ang pagkontak sa support team ng app o website para sa tulong.
Kung kailangan mo pa ng tulong, pakikontak ang aming support team. Ikasisiya naming tumulong.