Sa mga pag-renew, ibinibigay ng Airalo ang kakayahang i-top up nang awtomatiko ang iyong eSIM kapag paubos na ang data mo. Kasalukuyang available ang mga pag-renew para sa mga sumusunod na eSIM:
- Discover (Mga Pandaigdigang)
- Discover+ (Mga Pandaigdigang)
Paano gumagana ang mga pag-renew?
Puwedeng i-on at i-off ang mga pag-renew, kapag kailangan mo.
Kapag naka-enable, awtomatikong magre-renew ang eSIM package na kasalukuyan mong ginagamit kapag paubos na ang iyong data. Nangangahulugan ito na kung bumili ka ng 1 GB - 7 araw na eSIM package, isasama sa bawat pag-renew ang 1 GB ng data na valid para sa 7 araw.
- Bibilhin ang pag-renew mo kapag 10% data na ang natitira.
- Maa-activate ang package ng pag-renew kapag naubos na ang iyong data.
Tandaan, dapat na aktibo kang gumagamit ng eSIM para gamitin ang mga pag-renew. Hindi mo puwedeng i-enable ang mga pag-renew kung naubusan na ng data ang iyong eSIM o kung natapos na ang validity period ng package mo.
Paano ko io-on ang mga pag-renew?
Kapag bumili ka na ng eSIM, puwede mong i-on ang mga pag-renew sa pamamagitan ng paggawa ng sumusunod:
- Pumunta sa Mga eSIM ko > MGA DETALYE para sa nauugnay na eSIM.
- Mag-scroll sa seksyong MGA PAG-RENEW.
- I-enable ang toggle para maging NAKA-ON.
Kung gusto mong i-off ang mga pag-renew, i-disable ang toggle para maging NAKA-OFF.
Paano kung matapos ang validity period ko bago ko magamit ang sapat na data?
Hindi magre-renew ang package mo kung matapos ang validity period bago magamit ang sapat na data. Sa ganitong pagkakataon, io-off ang mga pag-renew, nang awtomatiko.
Paano kung may kasamang mga pagtawag at text ang package ko?
Kung gumagamit ka ng package na may kasamang mga pagtawag at text, magre-renew lang ito kung gumamit ka ng sapat na data. May isasama ring mga pagtawag at text ang iyong package ng pag-renew.
Paano ako magbabayad para sa mga pag-renew?
Mangangailangan ka ng card na naka-save para sa mga pagbabayag para magamit ang mga pag-renew. Pakitandaan na hindi puwedeng gamitin ang Airmoney, Apple Pay, and PayPal para sa mga pag-renew.
Kung nakatakdang mag-expire ang iyong card, magpapadala kami sa iyo ng mga notification para i-update ang iyong card para puwede kang manatiling nakakonekta.
Kung hindi maproseso ang pagbabayad sa pag-renew, hindi magre-renew ang package mo at hindi ka sisingilin.
Kung may mga karagdagan kang tanong o kailangan ng anumang tulong, huwag magdalawang-isip na kontakin kami. Available ang support team namin nang 24/7 at palaging masayang makatulong.