Makakatanggap ba ako ng mga tawag sa pangunahin kong numero ng telepono?

Oo, dapat makatanggap ng mga tawag ang primary number mo kung pinapayagan ka ng device mo na magkaroon ng SIM at eSIM na sabay na naka-activate. Kung gumagamit ka ng iPhone, may Dual SIM Dual Standby (DSDS) technology ang mga partikular na model na nagpapahintulot sa iyong manatiling konektado ang aktwal na SIM at ang eSIM nang magkasabay.  Gayunpaman, magbabago ang bilang ng mga eSIM na puwedeng maging active sa iyong device ayon sa modelo ng device. Sa iPhone 13 Pro Max, iPhone 13 Pro, iPhone 13, at iPhone 13 mini, puwede kang gumamit ng Dual SIM nang may dalawang active na eSIM o isang nano-SIM at isang eSIM. Ang mga modelo ng iPhone 12, iPhone 11, iPhone XS, iPhone XS Max, at iPhone XR ay may Dual SIM na may isang nano-SIM at isang eSIM, pero puwede ka lang magkaroon ng isang active na eSIM sa isang pagkakataon. Para sa higit pang impormasyon, pakikontak ang manufacturer ng iyong device. Pakitandaan din na posibleng may mga babayaran sa data roaming sa serbisyo ng pagtawag depende sa carrier provider mo.  Kung may mga tanong ka, huwag magdalawang-isip na kontakin ang support

Mga nauugnay na tanong

Iba pang mga paksa

Kailangan pa rin ng tulong?

Kontakin kami at agad kang sasagutin ng aming customer support team.
Padalhan kami ng mensahe
Copyright Airalo © 2021
  • x