Puwede ko bang gamitin ang 5G sa eSIM ko?

Nagbebenta ang Airalo ng ilang eSIM na may access sa mga 5G network — accessible lang ang mga network na ito sa mga suportadong bansa at rehiyon. 

Posibleng nakadepende sa iyong device ang kakayahan mong ma-access ang mga 5G network. 

Paano ko malalaman kung sinusuportahan ng eSIM ang 5G?

Puwede mong malaman kung maa-access ng eSIM ang 5G sa ilalim ng seksyong "Network" sa karagdagang impormasyon para sa isang eSIM.

Kung may 5G sa tabi ng nakalistang network, puwedeng gumamit ng 5G ang eSIM sa network na iyon. 

Bakit hindi gumagana ang 5G kung sinusuportahan iyon?

Hindi palaging nagagarantiyahan ng Airalo ang coverage ng 5G, kahit pa gumagamit ka ng sinusuportahang device at nakakonekta sa isang suportadong network.

Depende sa lokasyon mo, posibleng hindi ganon kalakas ang signal ng network para sa 5G. Sa mga situwasyong ito, posibleng maging 4G, LTE, o mas mababa ang koneksyon.

Mga nauugnay na tanong

Iba pang mga paksa

Copyright Airalo © 2021
  • x