Kailangan ng ilang provider ng eSIM na ginagamit ang mga eSIM sa partikular na mga yugto ng panahon pagkaraan ng pagbili — nangangahulugan itong aktibong nakakonekta sa isang network, hindi lang naka-install sa isang device.
Kung hindi gagamitin ang isang eSIM sa yugto ng panahon, ire-recycle iyon — nangangahulugan ito na hindi na ito magagamit pa ng taong bumili nito.
Bakit nare-recycle ang mga eSIM?
Tumutulong ang pag-recycle ng eSIM sa mga provider na i-manage ang mga eSIM na available sa kanila at nagsusulong ng mas mahusay na paggamit ng network.
Walang kontrol ang Airalo kung mare-recyle ang isang eSIM o hindi.
Paano ko malalaman kung mare-recycle ang isang eSIM?
Bago ka bumili ng eSIM, puwede mong tingnan sa mga detalye ng package kung mayroon itong patakaran sa pag-recycle — kasama rito ang panahong mayroon ka para simulang gamitin ang eSIM.
Kung bumili ka ng eSIM na may patakaran sa pag-recycle, pumunta sa mga detalye ng eSIM sa app para makita kung gaano katagal ang panahon na mayroon ka para simulang gamitin iyon.
Gaano katagal ang panahong mayroon ako bago ma-recycle ang isang eSIM?
Puwedeng mag-iba ang yugto ng panahon ng pag-recycle, depende sa provider — madalas na nasa 90 araw ito mula sa pagbili, pero siguraduhing tingnan ang partikular na panahon ng pag-recycle ng iyong eSIM.
Puwede ba akong mag-top up ng mga eSIM na nare-recycle?
Oo, puwede kang mag-top up ng mga eSIM na puwedeng ma-recycle.
Pagkaraang mag-expire ang validity period ng iyong package, mare-reset ang yugto ng panahon ng pag-recycle.
Halimbawa, kung may 90 araw ka para simulang gamitin ang eSIM, karaniwan nang may 90 araw ka para magsimulang gumamit ng top up package.
Ano'ng mangyayari kung hindi ko ako gagamit o mag-top up ng eSIM?
Kung hindi mo gagamitin o i-top u pang iyong eSIM sa tinukoy na petsa, mare-recycle iyon at mawawalan ka ng kakayahan na gamitin ang eSIM.
Kung na-recycle ang iyong eSIM, kailangan mong bumili ng bagong eSIM para makakuha ng coverage sa parehong lokasyon.
Kung may mga tanong ka tungkol sa pag-recycle ng eSIM o anumang ibang mga paksa, huwag magdalawang-isip na kontakin ang aming support team. Available kami nang 24/7 at palaging masayang makatulong.