Hindi ako makakonekta sa aking eSIM sa iOS device ko

Kung nagkakaproblema ka sa pagkonekta ng iyong eSIM pagkatapos ng pag-install sa iOS device, pakisiguro na nakumpleto mo ang mga hakbang sa Pag-access ng Data para sa eSIM mo.

Makikita ang mga ito sa pagpunta sa Mga eSIM Ko > Mga Detalye > I-install ang eSIM/Access Data.

 

Para kumonekta sa supported network:

  1. Pumunta sa Mga Setting sa iyong device
  2. Pumunta sa Cellular/Mobile
  3. Piliin ang iyong eSIM sa ilalim ng Mga Cellular Plan
  4. Pumunta sa Network Selection
  5. I-disable ang Awtomatiko
  6. Piliin ang Network kagaya ng nasa iyong Impormasyon ng Access Data.

 

Para i-update ang mga setting ng APN (kung kinakailan gan):

  1. Pumunta sa Mga Setting sa iyong device
  2. Pumunta sa Cellular/Mobile 
  3. Piliin ang iyong eSIM sa ilalim ng Mga Cellular/Mobile Data Plan
  4. Pumunta sa CellularData Network
  5. I-type ang mga bagong setting ng APN sa field ng Cellular/Mobile Data APN tulad ng nasa iyong mga tagubilin ng Access Data (lower case lahat, isang salita lahat)
  6. Iwang blangko ang ibang mga field

Para i-on ang Data Roaming (kung kinakailangan):

  1. Pumunta sa Mga Setting sa iyong device
  2. Pumunta sa Cellular/Mobile
  3. Piliin ang iyong eSIM sa ilalim ng “Mga Cellular Plan”
  4. Siguruhing naka-ON ang Roaming.

Puwede mong tingnan ang aming video tutorial para sa pag-troubleshoot sa ibaba o magpatuloy sa pagtingin ng mga karagdagang hakbang para sa pag-access ng data sa iyong eSIM.

Kung may mga tanong ka, huwag mag-atubiling kontakin ang support

Mga nauugnay na tanong

Iba pang mga paksa

Kailangan pa rin ng tulong?

Kontakin kami at agad kang sasagutin ng aming customer support team.
Padalhan kami ng mensahe
Copyright Airalo © 2023