Nararanasan ko ang error na “Hindi na valid ang code na ito”
Makikita ang error message na ito kapag sinusubukan mong magdagdag ng eSIM na naidagdag na dati, o partial na na-scan ang QR-code dahil sa hindi magandang koneksyon.
Para makumpirma kung na-isntall ang eSIM o hindi, magpatuloy tulad ng sumusunod:
- Pumunta sa Mga Setting
- Pumunta sa Pangkalahatan
- Pindutin ang Tungkol Dito at mag-scroll pababa
Kung naka-install ang eSIM at naka-on, dapat mong makita ang ICCID [NUMBER] + karagdagang digit hanggat naka-“ON” ang eSIM line sa iyong Mga Cellular Plan.
Pakitandaan na kung sakaling inalis ang eSIM at sinubukan mong i-install ito ulit, hindi ito posibleng gawin!
Sa kabilang banda, kung ini-install mo ang eSIM sa unang pagkakataon, posibleng ang error message na ito ay dahil sa hindi magandang koneksyon, naka-enable na VPN, o masyadong maraming eSIM na naka-install sa device.
Pakisundan ang mga hakbang sa ibaba para ma-install ang eSIM mo:
- I-disable ang anumang VPN
- Siguraduhing may maganda at stable kang koneksyon ng internet
- Alisin ang anumang mga eSIM na hindi mo na gagamitin
- Tingnan kung updated ang software sa pinakabagong version
- Subukang mag-install ng eSIM sa ibang paraan ng pag-install kumpara sa dati
Kung kailangan mo ng tulong, pakikontak kami.
Mga nauugnay na tanong
- Ano ang dapat kong gawin kung na-stuck sa pag-activate ang eSIM sa iOS device ko?
- Naka-lock sa network ang device ko
- Nararanasan ko ang error message na ‘Hindi Magawang Kumpletuhin ang Pagbabago ng Cellular Plan”
- Nararanasan ko ang error message na ‘Hindi Puwedeng Idagdag ang Mga Cellular Plan Mula sa Carrier na Ito’
- Hindi ko ma-scan ang QR Code ko
- Hindi ako makakonekta sa aking eSIM sa iOS device ko
- Nakakaranas ako ng mabagal na network
- Nakakaranas ako ng “PDP Authentication Failure”
- Hindi ako makakonekta sa aking eSIM sa Android device ko
- Puwede ko bang gamitin ang iMessage sa eSIM ko?